Chapter 9

2 1 0
                                    

Cyrine's POV:
  Papunta ako ngayon sa library kasi may kukunin akong libro. Maggagabi na rin kaya binilis-bilisan ko na rin ang pagkilos. Nang makarating ako sa library ay pumasok agad ako at hinanap ang libro na hinahanap ko. Habang naghahanap ako ay namatay yung ilaw sa library. Patay pano na toh.

"Pano na toh, kailangan ko pa naman yun para masagot yung assignment" sabi ko. Nagulat naman ako ng may narinig akong boses.

"Shit! Sino ba yung pumatay ng ilaw,nagbabasa ako dito eh" sabi ng isang tinig. Natakot naman ako. Di na lang ako gumalaw sa puwesto ko. Nakakatakot pa naman yung sa puwesto ko, baka kasi mahulog ako sa hagdan dito sa library. Napasigaw naman ako ng bumukas ang ilaw dito sa library.

"Ahhhhhhhh!!!!!!" Sigaw ko at nahulog ako sa hagdan. Napapikit na lang ako habang  hinihintay ko na lang na bumagsak ako sa tiles ng library pero parang malambot ang nabagsakan ko. May malambot bang tiles. Dinilat ko naman ang mga mata ko. Ngumiti lang siya sa akin habang ako naman nagulat ng makita ko siya.

"Jus-tt-ine" nauutal kong sabi.

"Yes its me,gulat ka noh akala mo isang Lee Jeno ang nasa harap mo"sabi niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Ewan ko sayo tsaka ibaba mo na nga ako, mabigat kaya ako noh"sabi ko. Siya kasi yung sumalo sa akin tapos buhat niya pa ako bridal style.

"Di naman pero as you wish my lady" sabi niya at binaba ako. Hinampas ko naman siya sa may balikat niya yung katamtaman lang naman.

"My lady, my lady, ka diyan suntokin kaya kita para malaman mo" sabi ko.

"Malaman ang alin? Na gusto mo ako o sadyang mahal na nga siguro" sabi niya habang papalapit sa akin. Ako naman atras ng atras hanggang sa macorner ako.

"Gusto? No way, Mahal? Mas malaking NO" sabi ko. Nilapit naman niya ang mukha niya sa akin. Ako naman todo iwas sa kanya.

"Then bakit pulang pula ang mukha mo?" Tanong niya at ngumiti. Natameme naman ako. Napapikit na lang ako. Naramdaman ko namang lumayo na siya sa mukha ko.

"Do you think na hahalikan kita? Suwerte mo naman kung ganun pero you're not my type okay" sabi niya tapos tumawa. Di ko na lang siya pinansin. Aalis na sana ako kaso parang sira yung pinto. Patay ako neto.

"May tao ba diyan? Tulungan niyo po kami!!!" Sigaw ko. Nabaling naman ang atensyon niya sa akin. Tinignan ko lang siya at bumalik ulit sa pagsisigaw.

"Tulong!!!! May tao po dito sa loob!!!! Tulungan niyo po kami!!!" Sigaw ko ulit. Makalipas ng ilang minuto ay wala pa ring nangyayari.

Can I Have You Back? [On Going]Where stories live. Discover now