Kabanata 2

1.9K 33 2
                                    

Kabanata 2

Valentines

"Sandali lang Apollo!"

Lakad takbo ang ginawa ko para mahabulan siya. Sa sobrang haba ba naman kasi ng binti niya at sobrang bilis maglakad, hindi ko maabutan.

Nakipaglaro pa ako kanina sa mga kaklase namin kaya medyo natagalan ako sa pag aayos ng gamit. Hindi nanaman sumali si Apollo kaya nauna nanaman siya na lumabas.

Araw araw hinahabol ko siya sa hallway para makasabay sa paglalakad. Lagi niya kasi akong iniiwan.

Mag iisang tatatlong taon na mula ng palagi kaming nagsasabay sa pag uwi pero lagi niya pa rin akong iniiwan.

We're already on our last year of elementary.

"Apollo!"

Sumigaw ako ng sobrang lakas dahilan para mapahinto siya. Sinamantala ko iyon para makahabol sakanya.

He looked at me with a creased forehead.

Ito naman sobrang pikon,

"What?" He asked, annoyed.

"Bakit mo ba ako iniwan? Sabi ko sayo kanina ay hintayin mo ako, inayos ko lang gamit ko pero wala ka na pag tingin ko,"

"You're slacking off, stop wasting my time!"

Napakunot ang noo ko at tumingin sakanya.

"Nag aapura ka ba?"

Bigla akong natigilan ng may maalala ako.

"Sandali lang, mauna ka na pala, may nakalimutan akong gawin."

I heard him sigh.

I run as fast as I could. Bumalik ako sa classroom para balikan ang mga libro na naiwan ko. Kailangan kong mag aral ngayong gabi dahil nalalapit na ang final exam.

Mabilis din akong tumakbo pabalik sa kung saan ko iniwan si Apollo pero wala na siya doon. Dumeretso ako sa kanilang sasakyan at doon ko nakita na nandoon na siya at nakaupo.

"What took you so long?"

Grabe naman ang isang 'to, kinuha ko lang naman ang mga libro ko pero napaka sama na ng tingin sa akin.

"Sorry, I forgot to take my books so..."

Supaldo niya akong inisnaban at naka kunot ang noo na tumingin sa labas.

Our relationship is not getting any better. I can't even consider him as a friend. He's just a what? My classmate.

Tahimik lang din ako hanggang makarating sa bahay nila at hanggang sa masundo ako ng mommy ko sakanila.

The next day went by so fast.

"Nakapag aral ka na ba para sa finals?"

Tumingin ako kay Arry na busy sa pag inom ng kanyang milkshake. Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil break time.

"Yes, I spend the whole week studying at night. Ipapahinga ko na ang utak ko sa mga susunod na araw para hindi ako ma mental block."

Nginitian ko ang pinakamatalik ko na kaibigan bago nagsimulang kainin ang pasta sa aking harap.

This one is good.

"Mabuti ka pa, hindi pa ako nakakapag simula, sumasakit ang ulo ko habang tinitingnan ang makakapal na mga libro."

Napatawa nalang ako sakanya. Dumako ang mata ko sa labas at tinanaw ang open area.

Napakunot ang aking noo habang tinigingnan ang dalawang tao na masayang nag uusap at nagtatawanan pa.

Loving the Ruthless WaveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz