Kabanata 11

1.5K 31 1
                                    

Kabanata 11

Trip

"Are you sure about this Mavis?"

"Never been this sure."

"I can already smell trouble with this. You are very aware of the situation."

I heard him chuckle.

"Sabi rin kasi ni mommy isama kita. Isa pa wala naman siyang magagawa kahit ayaw niya."

"You're so stubborn."

Nag aya sila Tita Maurice ng outing sa Siargao. Pinaunlakan ni mommy at nag file na sila ng leave ni daddy. Alam ko na isasama ni Apollo si Nichole. So why wouldn't I bring Rico along too. Alam kong hindi ito magugustuhan ni Apollo pero ayoko namang magmukang kawawa doon. Kailangan ko din ng makakasama. I hate to say this but I am using our situation to my advantage.

"Nag ayos ka na ba ng gamit mo? Alam mo na mga dadalin mo?"

"Not yet. I am still not sure."

"Sigurado ng sasama ka Rico! Pagkauwi mo mamaya ay mag ayos ka na dahil mamayang gabi rin ang alis natin."

"But.."

Pinandilatan ko siya ng mata kaya wala siyang nagawa kung hindi ang magbuntong hininga.

"Ipinagpaalam na kita kahapon sa mga magulang mo kaya wala ng tanong tanong, sasama ka sa amin."

"Fine. Fine. You win baby."

He smirked and wink at me. My face turned red because of that. I am still not used to it when he calls me baby. Well.. will I ever be used to it? If it is Apollo, will I be used to it? Oh yeah! No doubt.

What the hell am I thinking again?

I am comparing!

I removed that thought inside my head and turn my gaze to Rico.

"Samahan mo akong mag ayos ng mga gamit sa kwarto."

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinila paakyat sa hagdan. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at dumeretso sa cabinet para iayos ang mga damit na dadalin ko.

"Mavis, do you have your own comfort room in your room?"

"Meron. Andiyan sa gilid."

"Can I use it?"

"Yeah sure."

Tinanguan ko siya at nginitian bago ibinaling ang atensyon ko sa mga damit. Magdadala ba ako ng bikini? Naglagay ako ng tatlong pares kung sakaling gustuhin kong maligo. Inilagay ko ang mga damit na napili ko pati na rin ang iba pang gamit na kakailanganin ko.

Nasaan na ba si Rico? What's taking him so long? Nagpasya akong tumayo at hanapin siya. Dumiretso ako sa may bandang gilid, daan papunta sa banyo. There's a wall separating my room so it is not visible from the bedroom. Kumbaga nahati sa gitna ang buong kwarto ko. Ang left side ay ang bedroom at ang right side naman ay ang comfort room at living room ng kwarto.

Natigilan ako sa mabilis kong paglalakad. I saw Rico standing in front of the side table at the corner. Paunti unti akong lumapit sakanya at pinilit ang sarili na ngumiti.

"H-Hey,"

"Oh! Mavis,"

Nginitian ko siya at itinuro ang daan kung saan ako nanggaling. Binalingan ko ang lamesang tinitingnan niya bago muling nag angat ng tingin sakanya.

"Kanina pa kita hinahanap. Tulungan mo na akong mag ayos."

"Right. Sorry medyo natagalan ako."

Nagsimula na siyang maglakad pabalik doon kaya hinayaan ko siya. I am now staring at his back. I am so sad for Rico. If only I can just love him just like how he loves me... we will be so happy. But Apollo is the love of my life. No matter what I do... he is the only man I will ever love in this lifetime. He is the only one for me no matter how hard I try to love another.

Loving the Ruthless WaveWhere stories live. Discover now