Kabanata 5

1.6K 39 2
                                    

Kabanata 5

Surprise

Hindi ko alam kung paano ko kinakaya at natatagalan ang makita silang masayang mag kasama araw araw. Hindi ko rin alam kung paano ko natitiis ang pakikinig sa mga kwento ni Nichole tungkol sa mga bagay na ginagawa para sakanya ni Apollo.

I never knew that he's sweet and thoughtful.

Hindi ko naman kasi iyon naranasan sa kanya.

Ang saya saya nila.

Many people admire their relationship. People said that they are the perfect couple in the campus. Everyday Apollo will fetch her and send her home. Every morning, he will give her flowers and will kiss her in the forehead.

They look so sweet and inlove with each other.

Paano ko alam?

Sabay pa rin kaming pumapasok ni Apollo at sabay na umuuwi. Iisa pa rin ang sundo namin. Lagi akong katabi ng driver samantalang magkatabi sila sa likod.

My usual spot.

Imagine how it pains me. Imagine how it is torturing me to see them like that everyday.

Minsan ay hindi ko nalang mapigilang umiyak pero wala akong magawa para mawala ang sakit na nararamdaman ko.

"Napaka martyr mo! Hindi kita kinakaya Mavis, ako ang nahihirapan para sayo."

I only smiled at my bestfriend.

She's right. Kahit ako man ay nahihirapan na pero hindi ko alam kung bakit nagpapatuloy pa rin ako.

"I want him to be happy Arry, even if it's not because of me."

Malungkot akong ngumiti.

Nakita ko kung paano niya nasapo ang kaniyang muka at ng nag angat ng tingin ay galit na tumitig sa akin bago ako binulyawan.

"Bobita! Tonto! Stupida! Katangahan yan Madison Venice! Kabobohan! Ikamamatay mo yan!" Sunod sunod niyang sigaw.

Malungkot akong napangiti.

"I know, but Nichole is also my friend, and she needs me, she needs my help."

"Bahala ka! Ewan ko sayo!"

Just a while ago, Nichole approached me asking for my help. Humihingi siya ng tulong sa akin para sa surprise na gagawin niya kay Apollo bukas.

Birthday? No.

It is for their anniversary.

Yes, dalawang taon na rin sila.

Ganoon katagal na rin akong nasasaktan at nahihirapan na nakikita silang araw araw na masaya.

If only there is a remote control for feelings. If only I can stop and delete my feelings for him, it would be easy for me.

Unfortunately, there is none.

"Thankyou talaga Mavis, I owe you big time."

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"No problem, call me anytime."

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar. Nandito kami sa bahay nila Apollo at naghahanda para sa surpresa ni Nichole para sa kanya.

Naka set up ang mga lobo at ibat ibang mga LED lights sa buong garden nila Apollo. Mayroong table na pinalilibutan ng hugis pusong nga petals ng bulaklak.
Nagkalat ang mga bulaklak at mga kandila sa paligid.

It looks so beautiful and romantic.

The ambiance is perfect.

And it is all my idea.

Loving the Ruthless WaveWhere stories live. Discover now