Kabanata 19

1.6K 32 0
                                    

Kabanata 19

Tired

"Will you be home by lunch time? I will cook."

I am standing in front of the door while he is fixing his necktie in front of our bed.

He didn't look at me but he answered.

"No, I'll be home at night so just cook for yourself and don't wait for me."

Kinuha niya ang kaniyang coat at isinuot. Inayos niya ang kaniyang buhok bago kinuha ang kaniyang mga gamit.

"Okay."

He is starting to be civil with me. I am hoping that this will continue so we will be okay. Sana lang talaga ay magtuloy tuloy na.

Isang buntong hininga ang aking pinakawalan pagka kuha ko ng dalawang baso. I don't want to lie to Apollo's parents but I also don't want them to get mad on him.

It was saturday afternoon when they visited me in the house. Si Apollo ay may inasikaso sa trabaho kaya umalis kaninang umaga.

I am hoping that things will continue to go well. Kahit naman kasi sabihin ko na sanay na ako sa sitwasyon namin ay nasasaktan pa rin ako. Ang mga pusong mapagtiis ay nauubusan din naman ng lakas at napapagod. Mabuti nalang at pakiramdam ko ay nagiging maayos na ang lahat ngayon. Hindi man ganoon kaganda ay mas maayos naman na ang kaniyang pakikisama sa akin. Mas mabuti na ito kaysa palagi siyang lasing at galit sa akin.

Kinuha ko ang pitsel na may lamang orange juice pati na ang mga brownies na ginawa ko kanina. Inilagay ko ito sa tray at tahimik na nagtungo sa sala.

"Meryenda po muna kayo Papa, Mama."

Halos magkasabay silang lumingon sa akin at ngumiti. Umupo ako sa kanilang harap at nginitian sila pareho.

"You're still as gorgeous as ever anak."

I laughed slighty.

"Nako Pa, hindi naman. Masyado nga po akong abala sa trabaho at wala ng oras mag ayos."

"Mas maganda pa rin ang mga babaeng simple at natural. Tingnan mo ang Mama mo, simple pero sobrang ganda. Dahilan kung bakit nabihag niya ako noon."

Pabiro siyang hinampas ni Mama. Pabiro ring inirapan at kinurot pa. Apollo's parents are lovely. They are very kind to me. Hindi nila ako itinuring na iba sa kanila. Noon pa man ay malapit na sila sa akin.

Papa only winked at her. He burst into laughter afterwards.

Binalingan ako ni Mama. Seryoso na siya ngayon ngunit may bahid ng pag aalala ang tingin sa akin.

"How are you Mavis? Maayos ka ba naman dito? Inaalagaan ka ba namang mabuti ni Apollo?"

Marahan akong tumango at ngumiti.

"Opo. Maayos naman po kami dito sa bahay. Wala naman po kaming masyadong problema."

There's no way I would risk on telling them the truth. Ayokong mapasama si Apollo sa kaniyang mga magulang. Ayokong malaman nila na sinasaktan ako nito. Ayos lang naman talaga ako. Hanggat kaya ko pa ay titiisin ko.

"Nako! Magsabi ka lang at kami ang bahala sa asawa mo."

Marahan akong tumango. I smiled at them both. Nagulat ako ng hinawakan ni Mama ang aking mga kamay. Her happily glowing eyes were gone, it was replaced by a very sad and sorrowful eyes.

"Anak, there's nothing wrong on giving up. Kung nasasaktan ka, kung nahihirapan ka na ay pwede ka namang tumigil. Walang masama kung hihinto ka dahil hindi mo na kaya."

Loving the Ruthless WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon