Kabanata 37

2K 32 1
                                    

Kabanata 37

Magic

I am redeeming myself. I am getting up after being slammed on the ground. I am washing myself up after being smashed on dirt. Today I am redeeming myself.

Pagkayari kong pumunta sa mall ay napagdesisyunan ko na umuwi. I miss the comfort of going home tired everynight into the arms of someone you love. I miss waking up everyday with him as the first person I will ever see. Matagal tagal din akong naglayas kaya panahon na siguro para umuwi. Pagkarating ko sa bahay ay walang tao bukod sa mga kasambahay.

"Nay, si Apollo po?"

Gulat ang matandang napatingin sa akin.

"Sus maryosep kang bata ka! Saan ka ba nang galing at kay tagal mong nawala?"

Tumawa ako sa reaksiyon ni Nanay Seling na pinakamatagal ng katiwala ng aming pamilya. Mula pagkabata ko ay kasama ko na siya. Hanggang noong ako ay nag asawa, sumama pa rin siya sa akin para maalagaan ako.

"I miss you Nay. Kamusta po? Nakita niyo po ba si Apollo?"

Pinaupo niya ako at pinakuha ng tubig ang isang mas batang kasambahay.

"Nako! Ang asawa mo, buhat ng umalis ka ay nagpakalunod na sa trabaho. Minsan nga lang lumabas iyon sa pag aakalang uuwi ka rin agad dito sa bahay niyo. Ikaw na bata ka talaga oh! Pinag alala mo ako!"

A warm hand covered my heart. Parang kay tagal kong nawala gayoong isang linggo lang naman akong nag alaga kay Kai.

"Pasensiya na Nanay Seling. Nagka problema lang po nitong mga nakaraang araw."

Napakamot siya sa ulo niya bago ako muling binalingan.

"Tanghali na. Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita."

I shook my head and smiled.

"Hindi na po. Pupunta po ako kila Mommy. Doon nalang po ako kakain. Maliligo lang po muna ako sa taas."

"Oh siya sige. Uuwi ka ba mamayang gabi? Para makapag handa kami ng maayod na hapuan."

Ngumiti ako at tumango sa matanda.

"Opo Nay. Uuwi po ako."

Umakyat ako sa kwarto at naligo. Nagbihis ako kaagad pagkatapos. Nagpaalam din naman ako kay Nanay Seling na aalis na ako. Hindi naging matagal ang pagmamaneho ko papunta sa bahay nila Mommy.

I just realized that life is short to blame anyone for who did this and that. My parents are old and it is hard for them if I keep my distance to them. Narealize ko lang na kahit ano pa ang ginawa ni Daddy at Mommy ay hindi ko kakayaning magalit sa kanila ng matagal. They did it for me. It is wrong and I am not tolerating it but my anger will never change a thing. Nangyari na iyon at kailangan ko nalang harapin ngayon.

"Manang sila Mommy po?" I asked another househelp after reaching the house.

"Nasa likod po sila. Kumakain ng lunch. Gusto niyo po bang sabihin ko na dumating kayo?"

Umiling ako at ngumiti sa matanda.

"Hindi na po. Pupunta nalang po ako doon ngayon."

Nagsimula akong maglakad papunta sa likod. My heart is pounding so fast and hard while walking. Hindi ko alam pero abot abot ang kabang nararamdaman ko ngayon.

"Mom, Dad."

Sabay silang napatingin sa akin at parehas na nanlalaki ang mga mata. Mabilis akong nilapitan ni Mommy at inakay palapit sa lamesa.

"Am I still welcome here?" I asked after a long moment of silence.

Mas lalo lang silang nagulat sa aking tanong.

Loving the Ruthless WaveWhere stories live. Discover now