Kabanata 39

1.8K 29 0
                                    

Kabanata 39

Husband

I wonder why it still hurts even if you already see it coming. I wonder why this feels so bad even if I already expected things like this to happen. I wonder why it pains me even if I have accepted it long ago when I decided to let go of all my worries and fears. I never realized that I can feel this empty inside. I feel almost nothing now but I know that I am in shattered pieces inside.

I sighed and close my eyes tight.

In the middle of this small boat, I let my hand caressed the violent but clear waters. Malamig ang haplos ng malamyos na tubig sa aking balat. It was almost as cold as how I feel inside. Cold and may seem empty but shouting with so much sorrow and agony. Kumikislap ang tubig dahil direkta itong nasisinagan ng araw na mas lalong nagpadepina sa kaakit akit nitong kaanyuan. I was blinded by the sunlight as my eyes were swollen from all the crying earlier.

Wala akong dalang gamit bukod sa maliit na sling bag na naglalaman ng aking cellphone at wallet dahil hindi ko naman pinaghandaan ang pag alis. It was all so sudden.

"Manong matagal pa ho ba tayo?"

Tiningnan ko ang matandang nagmamaneubra sa maliit na bangkang nirentahan ko para makarating sa isla ng Siargao.

"Sampung minuto nalang siguro ineng. Malapit na tayo."

Alas kwatro pa lang ng hapon kaya naman mayroon pa ang araw ngayon. Maliwanag pa at tamang tama lang hanggang sa makarating ako sa isla. Tsaka na ako hahanap ng hotel na matutuluyan kapag nandoon na. Hindi ko alam kung gaano ako katagal dito pero bahala na. I just realized that I love running away whenever I will face difficulties. But it feels like it is just right. Siguro mas maganda na ding lumayo muna kaysa palalain pa ang sitwasyon sa pamamagitan ng pananatili.

Habang dinadama ang tubig ay tinanaw ko ang kahabaan ng karagatan. Mula dito ay natatanaw ko na ang mumunting ganda ng isla na nais kong puntahan. I want an escape. I wanted to escape. That's the truth that I've been hiding all this time. I wanted an escape from the reality that I live in because this is not the dream I wanted anymore. This is more like a nightmare and I hate how it feels. Hindi ko man masabi sa iba pero alam ko sa sarili ko na hindi ko na nagugustuhan ang mga kaganapan sa aking buhay.

I hate how happy I am the first day and then the next day I am crying. I hate how beatiful things get today and then tomorrow I will find myself lonely and in pain. I don't understand the nature of life. It is more like a puzzle and a game. It is so hard to understand.

Tumigil ang makinarya ng bangka ng malapit na kami sa dalampasigan. Those familiar palm trees are infront of me. Ang puting buhangin ay nakakahalinang pagmasdan mula rito sa aking kinalalagyan. Inalalayan ako ng matanda pababa ng bangka. Imbes na makaramdam ng galak ay nanuot sa akin ang sakit ng tumama ang aking paa sa malamig na tubig ng isla.

"Ma'am ayos lang po ba kayo?" Nag aalalang tanong ng matanda sa akin.

Nilingon ko siya at pilit na nginitian. Tumango ako ng paulit ulit bago ini abot sa kaniya ang bayad sa bangka.

"Bakit po kayo umiiyak?" Tanong niya na nagpagulat sa akin.

Marahan kong hinawakan ang aking muka. I felt my hands being wet in my cheeks. Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.

"Masaya lang po ako na nakabalik na ako dito. Matagal na rin po ang huling punta ko dito kaya siguro napaiyak nalang ako sa tuwa."

Tumango sa akin ang matanda na tila ba naniwala sa kasinungalingang lumabas sa aking bibig.

"Enjoy po kayo sa pananatili niyo rito. Salamat!"

I smile at him and nodded.

"Salamat din po."

Loving the Ruthless WaveWhere stories live. Discover now