Kabanata 7

1.4K 33 2
                                    

Kabanata 7

Nothing

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak. Ang tanging alam ko lang ay sobrang bigat ng pakiramdam ko noong naka uwi ako sa bahay. Hindi ako lumabas sa aking kwarto para kumain kahit pa paulit ulit akong kinakatok ng aking mga magulang. Paulit ulit na naglalaro sa isip ko ang nasaksikan ko kanina. Paulit ulit rin tuloy akong nakakaramdam ng kakaibang sakit sa aking kalooban.

Maaga akong gumising kinabukasan kahit pa sobrang bigat ng aking mga mata at kumikirot ang aking katawan.

Hindi na ako nag abalang kumain pa sa bahay dahil maaga rin namang umalis ang aking mga magulang para sa trabaho. Habang matamlay akong nagsusuklay ng buhok ay kumatok ang isa sa aming mga kasambahay para sabihing naghihintay sa akin ang aking mga kaibigan sa baba.

Sinabi ko kay Tita Maurice na wag ng ipadaan dito ang driver namin ni Apollo dahil sa mga kaibigan ko ako sasabay. Hindi ko lang talaga siya kayang makasama sa malapitan ngayong sobrang bigat ng loob ko sakanya.

"Do you want to eat first before going to school?"

"Mavis? Do you need anything?"

Marahan akong umiling sa aking mga kaibigan. I don't feel like eating or going anywhere as of the moment. Wala akong gana para sa lahat. Kung hindi lang ako nangangamba na mapapabayaan ko ang aking pag-aaral ay baka lumiban pa ako ngayon sa klase.

Rico and Arry both looked at me with worried eyes but I only give them a weary smile.

Pagkarating sa university ay dumeretso ako sa room namin at umupo sa aking upuan. Sa buong oras na nagtuturo ang mga proctor ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang makinig.

I need to set aside my broken heart for studies.

"Mavis kahit ano lang basta kumain ka, wag mo naman kawawain ang sarili mo dahil lang sakanya."

Tiningnan ko siya at nginitian.

"Hindi ko kinakawawa ang sarili ko Arry. Kakain ako kapag may gana na ako. Nawala ata ang panlasa ko kaya hindi ko rin magugustuhan ang kahit na anong pagkain. Kakain ako kapag nagutom ako."

I flipped the pages of the book and continue to read. I will make myself busy in studying. I won't let any factor to destroy it.

"Kahit uminom ka lang ng tubig o kahit ano. Sigurado ka na bang hindi ka sasama sa amin ni Rico sa canteen?"

Marahan akong umiling sa aking kaibigan.

Alam kong nag aalala sila sa akin pero sa ngayon ay kailangan ko munang hayaan ang aking sarili na maging totoo. Ayoko na munang magpanggap na ayos lang ako kahit hindi naman talaga. Ayokong kumain ganoong wala naman talaga akong gana. Kahit ngayong araw lang, hindi ko pipilitin ang aking sarili na gawin ang mga bagay na hindi ko gustong gawin.

"Wala ka bang ipapabili?"

I sighed and shook my head wearily.

Hindi ako kumibo maghapon. Hindi ko binalingan si Apollo at Nichole. Hinayaan ko ang aking sarili na magpakalunod sa mga aralin. Hindi ako nagmeryenda o nananghalian man lang. Alam kong sobrang nag aalala sa akin ang aking mga kaibigan pero wala akong gana na kumain.

"Mavis ihahatid ka na namin kaya huwag ka ng sumabay sa kanila."

"Ayos lang Rico, hindi na kailangan."

"Naririnig mo ba ang sarili mo Mavis! Hindi ka na nga okay dahil sakanya tapos sasabay ka pa talagang umuwi!"

"I'm fine Rico, It's okay."

Loving the Ruthless WaveWhere stories live. Discover now