HWPB 4

24 11 1
                                    

"Oy"
"Haeliiiiii!!!"
"Snobber naman"
":("

Kanina pa vibrate ng vibrate ang phone ko dahil sa mga chat nitong fc na lalaking ang pangalan ay Aiden.

"Oy pansinin mo ko!!"

"Bakit ba? Busy ako"

"Ano namang pinagkaka busyhan mo?"

"May report akong ginagawa para bukas sa DISS"

"DISS?"

"Discipline in Social Sciences. Humss lang ang meron ng subject na yan"

"Ah okay"

"May sasabihin ka pa ba? Madami pa akong kailangang isearch. Malapit ng mag hang phone ko sa pagtadtad mo ng chat"

"Hehe gusto ko lang itanong kung okay ka lang ba?"

"Bat mo naman natanong?"

"After nung meeting kanina, mukhang apektado ka talaga sa naging ranking eh"

"Okay lang ako. Kanina lang yon. Sige na babush"

Hays.

Sa totoo lang sobrang naapektuhan talaga ko sa ranking pero dahil sa pagiging positive ng mga ka group ko, I feel okay now.

At yung Aiden na yon. Dahil sa kanya muntik pa kong madamay kanina sa inggay niya.

Sa pangalawang beses na saway ni Mam sa kanya, don lang siya huminto sa pagdaldal.

Nakalimutan ko na nga yung nangyari sa meeting dahil sa sobrang busy ko sa ginagawa kong report pero pinaalala pa nung isa.

But thanks for his concern. Bilang lang ang taong nagtatanong sakin kung okay lang ako ng walang ibang kailangan.

Hays naloloka na ko sa daming schoolworks. Kinakabahan pa ko bukas sa pagre-report ng theory.

**

Nagising ako sa pag tunog ng alarm ko.

Shete. Naiwanan ko pa lang bukas yung data ko.

Ang daming chat na naman nung isa.
Ano bang trip non.

Inopen ko yung chat nya simula kagabi.

"Awh sige na nga bye muna"
"Goodluck sa report mo bukas"
"You can do it!"

"Oy anong oras na online ka parin"
"Easy lang"

"Goodnight"

"Good morning Haeli !!"
"Goodluck mamaya"

Gosh malapit na kong maweirduhan sa isang yon.

Nag log out na ko at chinarge yung phone kong 5% na lang.

**

"Guys may meeting si Mam. Pwede na daw tayong umuwi"

Yes! Buti naman. 2 hours na math din yon.

Nagkainggay yung mga kaklase ko at nag unahan ng lumabas.

"Haeli sama ka? Pupunta kaming Rob" - Athaliah

"Hindi na. Tinatamad ako eh"

"Sayang naman. Minsan lang tayo makagala eh" - Angennelle

"Sama ka na" - Tine

"May next time pa naman guys. Gusto ko ng magpahinga eh"

"Sabagay nag report ka nga pala at nag role play pa yung group nyo kanina. Sama ka next time ah" -Athaliah

"Oo ba"

"Bye una na kami" -Angennelle

"Sige ingat"

"Kaw din" -Tine

Saktong pagdating ko sa waiting shed, biglang bumuhos ang ulan.

Hays tuwing hapon na lang.

"Haeli!"

"Yan ba pre yung kinukuwento mo samin?"

"Ang inggay mo" -Aiden

"Girlfriend mo na ba siya pre?"

"Isa ka pa. Tumigil kayo. Kaibigan ko yan"

"Oy Haeli"

"Fc talaga"

"Ano?"

"Wala"

"Guys si Haeli, kaibigan ko. Haeli meet this ugoks, Prince, Joseph, and Christian"

"Hellow"

"Matipid talaga magsalita yan minsan" -Aiden

"Hahahah pasensiya ka na sa isang to. Feeling close talaga yan"

Tama ka dyan kuyang moreno. I mean Prince pala ang name niya.

"Mukhang nasasanay na nga ako eh"

"Hahahha he's so noisy, mukhang opposite kayo"

Isa pang check kay kuyang sobrang puti. Its Christian.

"Ingat baka mabingi ka dyan"

Sabi ni kuyang mukhang kasali sa banda dahil sa aura nya at sa dalang gitara. Its Joseph.

"Sige pagtulungan nyo pa ko"

"We're just telling facts pre" -Christian

"Kala ko ba may pupuntahan pa kayo. Ano pang ginagawa nyo dito"

"Oo na aalis na. Fc talaga yan so bahala ka na muna dyan Haeli" -Prince

"We understand if the next day friendship over na kayo hahah" -Christian

"Alis na nga tayo kawawa na si Trev" -Joseph

"Sige na shu shu" - Aiden

"Bye Haeli"

Tumango lang ako sa kanila. Di ako kagaya ng isang to na fc.

Pero kanina pa talaga ko natatawa sa pag uusap nilang apat. Pinipigil ko lang, pero yung ngiti ko di ko mapigilan hahah kawawang Aiden.

"Oy kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan"

"Wala ka pala sa mga kaibigan mo eh hahahh"

"Tsk"

"Oh bat ikaw naman yung ngumingiti ngayon? Ang weird mo talaga"

"Nakakatuwa ka kasing tumawa"

Napahinto ako.

Hindi ko namalayan yung naging reaction ko.

"Mood swing?"

"Tsk"

"Line ko yon"

"Kelan pa?"

"Hahahh so hindi na ko fc ngayon kasi nakikipag biruan ka na. Im just being friendly you know"

"Magkaiba kasi yung fc sa friendly oy"

"Okay okay enough magkaiba tayo ng perspective so I respect that"

"Tss"

"Kamusta report mo?"

"Okay naman. Kinabahan pero nung sinabi ni Sir na good, ang sarap sa feeling, super worth it yung effort ko"

"Nice. Congrats. Sabi na nga ba kaya mo yon eh"

"Thanks"
"Gantong oras ba uwian nyo?"

"Iba iba. Pag Wednesday at Friday 5pm pero pag hindi, gantong oras 3pm"

Napatango na lang ako.

Mukhang nasasanay na ko sa isang to.

Siguro dahil fc siya haha

But seriously. Friendly talaga siya. Halata naman eh.

He Who Passed By (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon