HWPB 10

6 11 0
                                    

"Ayan. Okay na. Para kang bata"

"Salamat Vonne"

"Tsk wink pa more Trev haha para kang sira"

Napalunok ako.

What the ef.

Sobrang awkward.

Biglang nag ring yung phone ko. Tumatawag si Tine.

Thank God.

"Uhm guys. Tumatawag yung kaibigan ko. Una na ko ah. Thank you again Yvonne"

"Oh. O sige. Sabay na lang kayo ni Aiden mamaya ah"

"Sige. Bye"

Naghadali na kong maglakad palayo at sinagot yung tawag ni Tine.

"Hey tagal sumagot ah"

"Sorry may kinausap pa kasi ako"

"Alam namin haha"

"Huh?"

"Kita ka namin haha"

Narinig ko ang boses nila Athaliah at Angennelle.

Napalingon ako sa paligid ko.

"Oy nasan kayo?"

"Haha secret. Bat ganon itsura mo kanina?"

"Ano ba itsura ko kanina? Nasan ba kasi kayo"

"Uhm sabihin na nating you look like..."

Sabay sabay silang sumigaw sa kabilang linya.

"Jealous!!"

"Saan naman? Ang ingay nyo. Nababadtrip na ko nasan ba kasi kayo?!"

"Easy Haeli haha. Sabi na nga ba tama kami eh"

"Ang gulo nyo. Ano ba sinasabi nyo?"

"Nevermind. Diretso ka na sa room. Pupunta narin kami. Bye!"

What the.

Ano sinasabi ng mga yon.

Pagdating ko sa room. Nakatingin sakin yung tatlo.

"Anong trip nyo?"

"We are the detectives wannabe" -Tine

"At ano naman ini-imbestigahan nyo sakin?"

"Ito clue. Ikaw at si Aiden" -Athaliah

"Oh ano naman meron samin?"

"That's the saddest truth. Walang meron sa inyo. Hindi ka manhid right. At alam din namin napi-feel mo" -Angennelle

Napakunot noo ko sa mga sinasabi nila.

"Ano ba pino-point nyo?"

"Hala ka. Wag ka ng mag deny"

"Ano nga yon. Diretsuhin nyo na ko guys. Gulo nyo eh"

"Seryoso ang slow mo. Aminin mo na, may gusto ka kay Aiden at nagseselos ka kanina dahil nasa harap mo sila at ang sweet pa nila"

"Oh kitams. Napatigil ka"

"Seriously nasan ba kayo kanina at kelan pa kayo nandon"

"Basta nasa tabi tabi lang, simula nung umupo ka sa table nila"

"Stalker ko ba kayo. Ang issue nyo. Nakakahiya, kaibigan ko si Aiden at may girlfriend na yung tao"

"Hmm okay sige"

"Pero ang sweet nila kanina no"

"Tas parang mas okay pa yung tawagan nila. Hindi yung mga cheesy na endearment"

"Parang magkaibigan lang din sila kasi di sila clingy sa isa't isa"

"Nakakainggit tuloy si Yvonne"

Napa face palm na lang ako sa kanila.

Kaya pala di sumabay sakin sa pagkain kasi may mga balak.

**

Lumabas na ko after ko ayusin yung gamit ko.

Yung tatlo nauna na. At di parin sila tumitigil sa pang iinis sakin.

Lumingon ako sa kaliwa at kanan ng room pero wala si Aiden sa buong corridor.

Di pa siguro nila uwian.

Bumaba na ko at pumunta sa building nila.

Pagkadating ko don, wala naring tao.

Nag online ako at tiningnan kung may message siya. Pero wala.

Bumaba ako at dumiretso sa gym.

Nung nakarating na ko don lumingon ako sa paligid.

Wala si Aiden at wala din si Yvonne sa mga player ng volleyball na nagpa-practice.

Nako naman, napapagod na ko ah.

"Uhm excuse me. Alam mo ba kung nasan si Yvonne?"

"Nasa cr. Nagpalit ng damit"

"Ah thank you"

Tatanong ko na lang sa kanya baka alam nya kung nasan si Aiden.

Naghahadali akong pumunta don dahil gusto ko ng umuwi.

Langya ka Aiden di ka man lang nag text or chat!

Nakakapagod libutin yung school !!

Napatigil ako sa pagliko sa hallway, nung nakita ko silang dalawa sa labas ng cr ng girls.

Nagtago ako sa gilid ng pader.

Nakasandal si Yvonne sa wall at ang lapit ni Aiden sa kanya.

Bago pa lumapit yung mukha ni Aiden sa kanya, dali dali na kong umalis.

Napahawak ako sa chest ko. Ang lakas ng heartbeat ko.

At the same time. I felt something weird.

Like someone hurt me, emotionally.

The heck.

Hindi mo dapat maramdaman yan Haeli ! Sino ka para masaktan dahil sa ginawa nya !

Pero masama ba na maramdaman to?  Tao lang din naman ako.

I know wala kong karapatan pero hindi naman to maiiwasan.

We can't avoid attachment thus we can't avoid being hurt.

Masyado kong na-attach kay Aiden. To the point na higit pa sa kaibigan yung nararamdaman ko for him.

And yeah tama sila Tine.

Ayoko lang aminin dahil wala din namang magbabago. At hindi dapat na magtagal tong nararamdaman ko.

He Who Passed By (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu