HWPB 20

7 10 0
                                    

Sa bawat tulo ng luha nya. Mabilis nya tong pinupunasan pero hindi parin tumitigil kaya napayuko na lang siya at tinakip yung dalawa nyang kamay sa mukha nya.

Ngayon ko lang to naranasan.

Yung mga kaibigan ko kasing lalaki mga single.

Ngayon ko lang na experience na may umiiyak na lalaki sa harap ko.

Ang haba sana ng hair ko kung ako yung dahilan pero nah.

"Bakit nga ba ganon, parang it's a challenge na magkatuluyan yung dalawang tao. I mean, lagi kasing nagugustuhan natin yung taong imposibleng maging satin. Samantalang may tao pala sa paligid natin na totoong nagmamahal satin pero di natin mapansin kasi iba yung gusto natin"

Napaisip ako sa sinabi ko.

Shet mali. Mali.

Bat parang iba yung gusto kong iparating don.

Hirap kasi ng hindi marunong mag comfort.

"Uhm... sa situation mo naman, ang tanga ni Yvonne. Nakakainis. Mutual kayo ng feelings pero anyare. Don papasok yung sinasabi ko na it's like a challenge na magkatuluyan yung dalawang tao. Lagi talagang may pagsubok. At nasa satin how to handle those"

"Huwag kang mahiyang umiyak. Kahit sabihin na lalaki ka, tao ka lang din naman. Mas mahirap sinasarili problema. Speak it out, okay lang iyakan but make sure to move forward after"

Agad nyang pinunasan yung luha nya, napahilamos ng mukha at inayos yung sarili nya sa harap ng screen ng phone nya.

Ang gwapo nya parin sa pagka messy ng buhok nya.

"Just a reminder na Im just here"

Tumingin siya sakin kaya napaiwas ako ng tingin.

Nailang ako bigla.

At mas lalo kong nailang nung bahagya nya kong hinila at niyakap.

Medyo umuga yung cabin namin at agad siyang nag panic.

"Nako. Wala daw fear of heights"

"Tsk ikaw na matapang. Pag ikaw nalaglag dyan. Humawak ka kaya sa steel"

"Hahahah ang bilis naman magbago ng mood"

Argh. Honestly pinipigilan ko lang yung kilig ko kaya pinipilit kong mag act ng normal.

Bigla siyang ngumiti na lalong nagpalawak sa ngiti ko kanina.

"Salamat Lili"

"Small thing"

Natawa siya which the sounds of it gives me a nice feeling.

**

Nasa byahe na kami pauwi. This time pumayag ang mga teachers na sumama sa mga kaibigan sa ibang bus.

Aiden asked me na sumama na lang sa bus namin, buti na lang yung katabi ko kanina sa bus pumunta sa kaibigan nya sa bus number 5 so here he is.

Nasa side ako ng bintana dahil gusto ko ma enjoy yung view kahit gabi na, since yung katabi ko kanina salit salit lang kami kasi gusto din niya sa side ng bintana.

Na late na kami ng uwi at galit na galit yung teacher na naka assign sa bus namin kasi dapat 6pm pa lang nasa bus na pero 7pm na mahigit dumating yung mga stem naming kasama.

Nagalit din yung ibang tvl dahil inagahan nga nila ang balik pero yung iba naman pa vip. Kung sino pa daw ang mukhang matino, sila pa di sumusunod. Pumasok tuloy yung issue ng strand discrimination.

Honestly nakakatuwa ang tvl kasi may dala silang gallon ng mineral water para daw kung sino ang gustong kumuha ng tubig at share sila sa pagkain and nalaman ko na yung grupo ng lalaki na yon is cookery pala kaya sobrang bango ng pagkain na dala nila. Tas akala ko sila yung male- late pero sila pala yung pinaka maaga na bumalik. Also pinapakita nila kung sino talaga sila.

He Who Passed By (Completed)Where stories live. Discover now