HWPB 15

12 10 0
                                    

Muntik ko ng masigawan yung taong dumagan sa bag ko dahil sa sobrang init ng ulo ko.

"Oy easy lang Lili"

"Oh bakit?"

Pero di ko nagawa ng makita kong si Aiden ang gumawa non.

"Badtrip?"

"Di naman. Pagod lang talaga"

"I understand, finals na kasi eh kaya lahat ng subjects may gagawin"

"Pero ikaw bat mukhang di ka busy"

"Masyado mo kasing siniseryoso, enjoyin mo lang. Last year na natin sa school na to. Mamimiss mo din yung 6 years na pag stay natin dito. So create a good memories kaysa ma stress ka"

"Hayst. I can't. Isip at katawan ko pagod na pagod na. Tapos pina-revise pa nung panels yung research namin. Yung cheerdance sobrang sakit sa katawan lalo na yung warm up namin na kailangan matutong mag split at bending para daw di sumakit katawan but the heck mapipilayan na ko. Pasahan pa ng mga activities, may performance pa at exam na bukas pero wala pa kong nare-review dahil 6am ang pasok na umaabot ng 7pm dahil sa practice ng cheerdance. Konti na lang di ko na kaya, first sem pa lang to"

"Teka umiyak ka ba? Bat namumula ilong mo at matamlay mata mo?"

"Sinisipon at may sinat ako"

Napatigil ako sa pag singhot ng dinampi nya ang likod ng palad nya sa noo ko.

"Tara sa hilom. Para makapag pahinga ka don"

"Hindi pwede. May performance kami ngayon sa CPHAR"

"Mag excuse ka muna kaya?"

"Hindi na. Malaking bawas sa grade yon"

"Last subject na yon di ba? Diretso ka agad sa hilom pagka perform mo, pupunta ko sa room nyo"

"No. May practice pa kami ng Cheerdance after sa north subdivision"

"Haeli naman. Sa friday na yung cheerdance ng grade 12, pano kung di ka makapag perform ng araw na yon. Kaya magpahinga ka muna"

"Kaya ko pa"

"Aist ang kulit naman. Uminom ka na ba ng gamot?"

"Oo may baon ako. Sige ah kailangan ko ng umakyat"

Lumingon ako nung sumunod siya sakin.

"San ka pupunta?"

"Sa room nyo. Sasamahan kita sa hilom pagka perform mo. Kahit saglit lang magpahinga ka"

"Tsk alam kong mas busy ka kaya wag mo na kong alalahanin."

"Wag ng makulit Haeli"

Napabuntong hininga na lang ako at umakyat na.

Seryoso na siya.

"Pano yung last subject mo?"

"Excuse ako dahil may pinapagawa sa org namin and kakatapos ko lang gawin yung naka assign sakin"

Bago ko pumasok sa room lumingon muna ko sa kanya.

"Bat ganyan ka tumingin?"

"Seryoso ka talaga?"

"Mukha ba kong nagbibiro"

"San mo ko iintayin? Ayokong makita mo ko magperform"

"Dito lang ako sa corridor. Bakit naman. Ano ba gagawin nyo?"

Sasagot pa sana ako nung tinawag na ko ng leader namin.

"Pasok ka na"

"Hayst. Tumalikod ka ah. Sa katapat na bldg ka tumingin"

He Who Passed By (Completed)Where stories live. Discover now