HWPB 9

9 10 0
                                    

"Haeli ! Tara dito"

Napatigil ako sa paghahanap ng pwedeng bilin na pagkain nung tinawag ako ni Yvonne.

"Bakit?"

"Dito ka na lang kumain"

"Err. Ano kasi..."

"Di mo naman kasama mga kaibigan mo ngayon eh. Join ka na lang samin para di ka nag iisa, boring kumain ng mag isa no"

"Uhm sige, wait bibili muna ko ng pagkain ko"

"Hindi na. Eto oh madami inorder ko. Share tayo"
"Hey hey wag ka ngang mahiya dyan, para namang di tayo magkakilala oh"

"Guys meet Aiden's friend, Haeli"

"Hellow sa inyo"

"Haeli ! Nice to meet you"

"Friend ka talaga ni Aiden? Kala ko puro maiingay kaibigan non haha"

"Oy pre nandyan si Yvonne, be careful sa gf"

"Sige lang, mainggay naman talaga yon parang kayo haha"

"Burrrnnnn"

"Mga ulol tayo yung binanggit hindi lang ako"

"Anong strand ka?"

"Humss"

"Wow acads"

"Matalino"

Err ang dami nila tas puro lalaki pa.

"Hindi naman. Pantay pantay lang lahat ng strand. Pero for me mas okay nga tvl eh kasi more on skills kayo, ang dami nyo ng magagawa pagka graduate"

"Well, ang baba kasi ng tingin ng iba pag tvl"

"Yung iba. Mapagmataas kasi"

"Wow I like you na"

"Easy pre"

"Grabe kayo, I like you lang sinabi ko issue na? Di ba pwedeng I like her dahil sa sinabi nya, that's all"

"Guys sobrang inggay nyo. Kain na nga tayo Haeli. Ganyan talaga mga yan. Pasensiya na"

"Wow Yvonne"

"Ssshhhh"

Grabe mukhang walang sikreto sa mga to dahil sa inggay nila.

"Nga pala di ako makakasama sa inyo sa gala mamaya. Sasamahan ko uli girlfriend ko sa hospital kung nasan naka confine lola nya"

"Oks lang yon pre. Kamusta na ba?"

"Kakagising lang kahapon, sakto nung pagdating namin"

"Yung parents nya kelan dadating?"

"Mamayang gabi. Kaya sasamahan ko muna si Yuri habang wala pa sila tita at tito"

"Sige ingat kayo pre"

"Salamat"

"Guys. Excuse muna. May kailangan daw kaming ayusin sa library"

"President of an org is haha"

"Go lang. Kaya mo yan Pres haha"

"Geh na una na ko"

"Bata ka pa pre"

"Ulol. Bye Haeli nice to meet you"

I smiled as a reply. President pala siya ng org sa school. Kabilib naman.

Buti na lang may ilang tahimik dito kaya di parin ako OP sa kanila.

"Yvonne nakalimutan kong sabihin nagtext nga pala kanina si Mara, may practice daw uli kayo mamayang uwian. Sakin pa talaga nagtext. Napaghahalataan haha"

"Assuming Ico"

"Sorna"

Habang pinagmamasdan ko sila.

May naalala kong story sa wattpad na nabasa ko. About friendship.

Medyo nainggit tuloy ako sa samahan nila.

Yung tipong super close at kahit puro biruan ramdam na may pakialam sila sa isa't isa.

Yung parang wala silang pakialam sa paligid dahil ang inggay nila pero yung totoo sadyang masaya lang sila na kasama ang bawat isa.

Kaya siguro okay lang kay Aiden na kasama sila ni Yvonne. And now I know bakit komportable si Yvonne sa mga kaibigan nyang lalaki.

Masyado akong naging mapanghusga.

Hays.

"Vonne!"

"Oh Trev. Bat ngayon ka lang?"

"Overtime nga teacher namin eh kaines gutom na ko"
"Yow Haeli"

"Low"

"Mag jowa ba talaga kayo? Wala man lang endearment?"

"Walang basagan ng trip Jeremy" -Yvonne

"Para sakin ba to?" - Aiden

"Yes. Kanina ko pa nga yan inorder for you eh. Tagal mo kasi"

"Thank you Vonne! Love you!"

"Love you too Trev"

"Ewww cheesy"

"Mga panira kayo. Manahimik nga kayo"

Natawa na lang ako sa kakulitan ng mga kaibigan ni Yvonne. Di talaga nila kayang tumahimik haha.

"Yvonne kitakits na lang maya. Alis na kami"

"Sige guys babush. Magsilayas na kayo"

Napatayo ako kasabay ng mga kaibigan nya.

"Uhm una na din ako ah. Thank you sa food Yvonne"

"Matagal pa breaktime ah, dito ka muna"

"Oo nga Haeli. Minsan lang naman kayo magkausap ni Vonne. Maya ka na umalis"

"Alis na kami ah. Bye Haeli haha makayanan mo sana ang ka-maisan ng dalawang yan"

Uh oh. What to do.

"Ano kasi, may gagawin pa ako eh"

"Breaktime ngayon Lili, masyado kang masipag"

"Oo nga Haeli. Baka ma stress ka nyan"

"Hays sige na nga"

Hirap tumanggi.

"Yown nice"
"Tapos na ba kayo kumain?" -Aiden

"Kanina pa. Nga pala Trev may practice uli kami mamaya. Di ako makakasabay"

"Intayin na lang kita"

"Hindi na. Matagal din yon. Saka alam kong busy ka ngayon sa drafting"

"Okay lang yon. Basta iintayin kita"

"Tsk kulit. Sabay na lang kayo ni Haeli"

"Hayst sigurado ka?"

"Yes"

"Sige mag iingat ka. Wag magpa abot ng gabi"

"Yes po"

Owh--kie. OP na ko sa lovebirds na to. Salamat talaga sa phone ko na nagagamit ko pag ayokong magpahalata na OP ako sa usapan haha.

"Haeli sabay kayo ah. Pakibantayan na lang tong isa"

"Hahha sige sige"

"Ano ko bata?" -Aiden

"Parang ganon na nga" -Yvonne
"Hindi ba?" -me

Natawa kami ni Yvonne dahil nagkasabay kami sa pag sagot haha.

"Ako trip nyo ngayon ah. Bahala kayo dyan. Basta kakain lang ako"

"Edi kumain ka"

Again nagkasabay uli kami.

"Tsk nagkakasundo kayo ngayon"

"Trev kumain ka na lang kasi haha"

"Para ka talagang bata Aiden haha, may dumi pa sa gilid ng labi mo"

"Hahahah wait Trev"

Kumuha ng Tissue si Yvonne at lumapit kay Aiden.

He Who Passed By (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon