HWPB 13

9 11 0
                                    

Nakakuyom ang kamao ni Aiden at nanginginig sa galit.

Lumapit siya samin.

Napaluha na lang ako sa nakikita ko.

Nasasaktan siya.

"Tre-Trev"

"Sabi mo may practice ka ng volleyball. Pumunta ko don pero wala ka, kasama mo pala yung ex mo. Oh! ex nga ba?"

"Trev Im so sorry"

Umiiyak si Yvonne at nanginginig na hinawakan ang kamay ni Aiden.

Pero nilayo ni Aiden yung kamay nya.

"Ano bang ginawa ni Haeli para gawin mo yon?! Pinagtripan mo kami!!"

"Ma-maniwala ka Trev. Ma-mahal kita. Narealize ko na ginawa ko yon kay Haeli da-dahil nagseselos ako dahil ang bi-bilis nyong maging malapit sa isa't isa. Nagawa ko yon kasi mahal kita"

"Hindi ko alam kung maniniwala pa ko sayo. Ang dami mong dinamay para lang sa trip mong yan. Hindi ko inakala na magagawa mo to. Kaibigan pa naman kita at naging higit pa don yung nararamdaman ko para sayo. Pero anong ginawa mo.....Ngayon masaya ka na? Na ginamit mo kami? Well, good for you. Nagawa mo yung gusto mo. Napaniwala mo kami. Congrats!"

"Trev!!!"

Ang bigat sa pakiramdam. Hindi ko mapigilan yung pagpatak ng luha ko. Nasasaktan ako para kay Aiden. Mas masakit na nakikita ko syang lumuluha kaysa sa nagawa sakin ni Yvonne.

Naka upo si Yvonne sa damuhan at humahagulgol.

Lumapit sakin yung dalawa na pinipigilan ako kanina.

"Karma is real. Meron kang free will girl pero hindi mabuti yung choice mo eh so that's the consequence, hays be matured" - Angennelle

Patuloy parin sa pag iyak si Yvonne.

"Tama na yan Angennelle, tara na Haeli" -Athaliah

"Oy san kayo nagpunta? Anong nangyari?!"

May sinenyas yung dalawa kay Tine.

Kung di lang ako nasasaktan matatawa ko sa mga to. Nagkakaintindihan sila.

Biglang pinunasan ni Tine yung luha ko at niyakap ako.

"Nako. Kung ako nandon lagot sakin yung babaeng yon. Tahan na Haeliiiii~"

"Guys pede na daw umuwi. Yung cleaners maiwan ah" -Pres

"Okay ka na Haeli?" -Athaliah

"Medyo. Thank you guys ah"

"Wala yon. Maliit na bagay"

"Sabi ko sayo kanina eh pahinga ka na lang sa hilom, pulang pula pa mata at ilong mo, wala namang klase eh"

"Oks na guys salamat talaga"

"No prob, basta ikaw yieeee haha"

"Ganyan ba talaga magmahal Tine? Sobrang sakit to the point na di matigil yung luha?" -Angennelle

"Yung iba siguro. Ako kasi di ako sobrang naaapektuhan sa jowa ko haha de joke lang syempre lahat naman ng nagmamahal nasasaktan"
"Bwiset lang talaga yung babaeng yon. Kakaiba ang trip. Nakakagigil sa inis!"

"Sinabi mo pa" -Angennelle

"Tara na sabay sabay na tayo lumabas ng gate"

**

Weeks passed by. At hindi nagparamdam si Aiden. Ni hindi nya siniseen yung mga messages ko.

Kaya ngayon nagulat na lang ako nasa labas siya ng room namin at nakangiti sakin.

Napatigil ako at di alam kung pano ko magre-react dahil sa mga nangyari.

"Let's go?"

Tumango ako at sumunod sa kanya.

Napansin nya siguro na ang bagal kong maglakad kaya bumalik siya at sinabayan ako.

"Oy Lili anong nangyare sayo?"

Imbis na sagutin siya, nagbalik ako ng tanong sa kanya.

"Kamusta na?"

"Obvious ba? Okay na okay ako oh"

Ngumiti ako ng pilit.

Ramdam ko na pinipilit lang nya maging masaya sa harap ko.

Tumigil siya sa paglalakad, kaya napatigil din ako.

Inintay nya muna na magsibaba yung mga studyante hanggang sa kaming dalawa na lang sa corridor ng second floor.

"Haeli....I want to say sorry sa ginawa ni Yv---"

"Tapos na yon. At bat ikaw yung nagso-sorry tsk. Saka hindi naman talaga ako ang naging biktima dito. Kaya gusto kong itanong sayo, kamusta ka na? Yung honest na sagot Aiden"

"Ito... pinipilit mag move on. Ang hirap tanggapin eh, ang sakit. Kahit nagkaron ako ng space for the past weeks, still parang kahapon lang yung nangyari"
"Sorry nga pala kung di ko nireplyan mga message mo. Kanina binasa ko yung mga chat sakin, thank you sa pag aalala Haeli"
"Yung isang chat naman don galing kay... Yvonne"

"Mind to share?"

"Humihingi ng second chance. But I don't know how, may lamat na kasi sa pagitan namin... Ang daming nasayang, pati pagkakaibigan namin. Kahit mapalapit sa kanya parang di ko pa kaya"

"Wala pa kong experience sa ganyan pero all I can say is na sayo ang desisyon kung deserve nya ba yon. Teka nga. Ang seryoso mo hindi ako sanay"

"Ikaw nagsimula eh, ang ganda ganda na nang mood ko kanina"
"Sandali, may gusto kong itanong sayo eh. Bakit di mo sakin sinabi nung nakita mo sila Yvonne sa cr ng girls?"

"Ayoko manira, saka malay ko ba kung ikaw ba yon o ibang tao kasi di ko kita yung guy dahil madilim, luminaw lang nung nakita ko si Tristan, yung features nya, yung buhok nya saka yung height"

"Observer ka talaga noh"

"Di ko maiwasan haha nagmamadali pa ko umalis non ah"

Ngumiti siya pero nawala din agad.

Nasasaktan na naman siya.

"Kinausap ka ba nya in person after what happened?"

"Yeah. Pero as what I said kahit mapalapit sa kanya parang di ko pa kaya. Ang daming beses ko na siyang iniwasan. Hindi ko talaga kaya sa ngayon"

"Sa ngayon..." I repeat.

"Nanghihinayang din kasi ako sa pinagsamahan namin. Pero hindi na talaga mababalik yung dati. Ang mababalik lang siguro is our friendship"

"Ang awkward non pag nangyari yon"

"Maybe"

Ngumiti siya ng pilit.

"Tara na nga. Nakakabakla na tong ka emo-han ko"

"Hahahha nakakatuwa nga na shine-share mo sakin eh. Thank you for trusting"

"No, thank you for being with me Haeli"

"Err tama na nga ang drama haha"

"Hahahah tara na."

Dinaganan nya ng isang kamay yung likod ng bag ko at sabay kaming naglakad.

Tsk gawain nya yan. Kaya mas lalong bumibigat bag ko eh.

Bumaba na kami.

Akala ko mag iiba na ng topic pero hindi parin pala.

Napatigil na lang ako sa sinabi nya.

"Bat kaya magseselos si Yvonne sayo. Alam nya naman na friendly ako kaya naging magkaibigan tayo"

Hays. Gusto ko siyang sagutin na...

"Nagseselos si Yvonne dahil masyado kang malapit sakin and she's scared na maagaw kita sa kanya because she knows that...I like you"

He Who Passed By (Completed)Where stories live. Discover now