HWPB 8

12 10 0
                                    

I saw that before.

Madalas ko siyang kasama pero iba iba kasi madalas ang gamit nya.

And guess what kung ano yung naalala ko?

Sa CR.

Yeah right. Remember nung may nakita kong spg sa CR ng girls.

Its her.

Im really sure.

Yung clip nya, although iba ang style ng tirintas nya ngayon. Yung shoulder bag, and its big keychain. Its not a coincidence. Another thing is yung shoes nya, yan ang lagi nyang suot pero ngayon ko lang na-confirm kung bat familiar.

"Haeli ano pa iniintay mo dyan. Tara na"

Napatingin ako kay Aiden.

Siya kaya yung guy na kasama ni Yvonne noon?

Tumango ako at sumunod na sa kanila.

After nung breaktime. Natawa na lang ako kay Aiden. Nanlulumo siya dahil ang daming kinain nila Prince.

Pabalik na kami ngayon sa kanya kanyang building.

"Una na kayo guys. Hatid ko muna si Yvonne"

"Owwhh lovebirds" - Mitch

"Sweet naman" - Suzy

"Sige na loverboy" - Christian

"Bye guys!" - Yvonne

"Thanks sa treat loverboy! Haha" - Prince

"Bye"

Kumaway ako bago sila umalis. Pero iba parin ang nasa isip ko.

Hays. Kung si Aiden man yung kasama nya non. Di ako makapaniwala kasi hindi siya ganong klaseng lalaki. Kahit saglit ko pa lang siyang naging kaibigan, alam ko yon.

Pero kung hindi si Aiden yon. Edi tama yung feels ko about kay Yvonne noon pa man na may pagka ...uhm I don't want to judge her but may pagka flirty siya.

Sobrang lapit nya sa mga lalaki. Ang clingy. Yung palda nya sobrang ikli, yung shoes nya ang taas ng heels, yung make up nya ang kapal.

Im just telling facts guys.

"Una na ko sa inyo. Bye!"

Paalam ko sa natira.

Naghadali na ko papunta sa building ko.

Ayoko silang problemahin pero di ko mapigilan dahil kaibigan ko si Aiden.

Madalang ko na lang makasabay si Aiden pauwi. And now I know why, nililigawan nya pala si Yvonne noon. Pero ngayon kasabay ko siya dahil may practice daw si Yvonne ng Volleyball.

"Oy tahimik mo ngayon?"

Napatingin ako kay Aiden. Ang lalim na pala ng iniisip ko.

"Uhm... Pwede magtanong?"

"Masyado kang seryoso. Ano ba yon?"

"I know sobrang tagal na nito pero naaalala mo pa ba nung day bago magkaron ng welcoming for the freshies, yung time na nabago yung sched natin na sobrang aga ng pasok. Nasan ka nung bago mag 6am that time?"

Nag isip siya kaya tinitigan ko siya para malaman ko kung totoo yung sasabihin nya.

"Uhm... Yung day na nabago yung sched? Nalate ako non sa first class ko kaya nagdecide ako non na sa second sub na lang pumasok"

"Anong oras ka nakadating sa school non?"

"Mga 10 minutes bago yung second sub. Hirap kaya mag adjust non sa sched na sobrang aga"

Hindi ko parin inalis yung tingin ko sa kanya. Pero ni walang pag aalinlangan yung sagot nya.

"Bakit mo natanong?"

Umiwas na ko ng tingin.

"Wala, tara na may tricycle na oh"

Hays. Nung isang linggo lang naman naging sila. So kung may iba man noon si Yvonne, hindi pa naman sila ni Aiden non. Pero ...argh! Nililigawan siya ni Aiden non eh.

Nakaka stress sila. Pero siguro naman ngayong sila na, hindi na ganon si Yvonne.

**

"Hate you've been saying Im dramatic. Immature because I just dont wanna talk.
They say we're crazy and useless making stupid excuses to go make bad decisions when we're hurt ~ they say were ---"

Napatigil ako sa pagkanta nung may tumawag sakin.

"Oy alam mo ba kung anong oras na? Ang bagal mo pang maglakad dyan late na tayo sa Larang. Tara na"

"Wait, papasok pa lang tayo pero pawis na pawis ka na. Tumakbo ka ba mula footbridge hanggang dito?"

Tumango siya at medyo hinihingal parin.

"Grabe. Larang naman first sub at di naman nagagalit si Sir pag may malate so okay lang yan"

Minsan nga lang ako maglakad sa school ng walang students sa paligid eh. Kaya naenjoy ko paglalakad ko ngayon.

"Nako Haeli. Tara na kasi"

Hinila na ko ni Angennelle papasok.

"Wait lang nam---"

"Bakit?"

Napatigil din siya nung tumigil ako.

"Oh. Mukhang tama talaga tingin mo sa Yvonne na yan. Tingnan mo naman puro lalaki kasama. Alam ba yan ni Aiden?"

"Siguro. Girlfriend nya yan eh"

"Eh sigurado ka ba talaga na sya yung nakita mo non sa CR?"

"Oo sigurado ko don pero yung guy di ko talaga kita non kung sino yon"

"Tsk tsk. I don't know lang ha. Tara na nga"

Bago kami makalayo. Nakita ko na dumating na si Aiden from somewhere. And seems like okay sa kanya na puro lalaki kasama ni Yvonne.

Tsk sabagay, friendly sila pareho.

Nagulat ako nung napatingin samin si Yvonne at kumaway.

Humarap siya kay Aiden at may sinabi. The next thing lumapit ng konti si Aiden bago ngumiti at kumaway.

Hirap ng malabo ang mata.

Nag wave ako ng dalawang kamay, at nag sign na mauna na kami.

"Oh bat mukha kang problemado?"

"Baka masyado na kong judgemental para pag isipan ng masama si Yvonne sa pagiging friendly nya"

"Friendly nga lang ba kasi talaga siya. Anyway examine the different side of the box"

He Who Passed By (Completed)Where stories live. Discover now