HWPB 14

9 10 0
                                    

"Bat di ka sumali sa intrams?"

Tanong ko kay Aiden. Nasa bleachers kami ngayon habang nanunuod ng mga nagpa practice ng iba't ibang sports.

"Hindi kaya eh dahil sa sobrang busy"

"Stem is. Ano nga bang sport gusto mo?"

"Soccer. Ikaw ba?"

"Volleyball gusto ko kaya lang di naman talaga ko sanay. Also badminton pero nakakahiya kasi"

"Bat ka naman mahihiya"

"Eh di nga ako sanay"

"Dapat tinry mo man lang. Humss tapos nahihiya?"

"Err Im still practicing na humarap sa maraming tao"

"Educ nga pala gusto mong course no"

"Yeah"

"Second choice mo?"

"Journalism"

"Oo nga pala nabanggit mo noon saka madalas kita makita na nagsusulat o nagtatype sa phone mo. Pabasa naman ng mga sinusulat mo"

"Hahahah ayoko nga"

"Daya"

"Uhm pede bang sa ibang place na lang tayo?"

Nakita ko na papasok sa gym ang grade 12 volleyball players. At kasama don si Yvonne.

"Bakit? Dito muna tayo"

"Gusto ko sana sa library"

"Mamaya na lang"

Argh pano ba to.

Panigurado magbabago na naman mood ni Aiden once na makita nya si Yvonne.

"Tara na"

Hinawakan ko yung kamay nya at hinila siya patayo.

Hihilahin ko na sana siya sa gate sa likod ng gym pero huli na.

Tumingin ako sa tinitingan nya.

Nakatingin samin si Yvonne. Ganon din sa kamay namin ni Aiden na magkahawak.

Kinuha ni Aiden yung bag nya saka ako hinila paalis.

Napatingin ako sa kamay namin.

Kinikilig ako pero at the same time, sad to say nasasaktan sa higpit ng pagkahawak nya.

I know why.

Sabi na nga ba magbabago mood nya pag nakita si Yvonne.

Ang bilis ng lakad nya hanggang sa makalabas kami ng gym.

"Uhm Aiden... yung kamay ko"

Binitawan nya to at agad akong napatingin sa namumula kong palad.

"Im sorry"

Manhid ba talaga siya o wala lang siyang pake sa nararamdaman ko.

Hays.

"Gusto mo ba kumain muna? Nagutom ako bigla eh"

Tanong ko. Just to change the atmosphere.

"Sige. San ba tayo kakain?"

"Sa Garaje malapit sa footbridge, gusto ko mag Japanese food hehe"

"Okay maiba naman. Tara"

"Oy napaka ah. Patungan ba tingin mo sa bag ko? Ang bigat ng kamay mo!"

"Hahahah di ka na nasanay"

"Kaya ako nakukuba eh"

"Bawasan kasi gamit ng bag. Masyado kang masipag"

"Ayoko kasi ng nanghihiram ng gamit"

He Who Passed By (Completed)Where stories live. Discover now