HWPB 19

7 11 1
                                    

"Sandali bibili lang akong tubig"

"Hindi na. Okay na ko"

"Sabi mo wala kang fear of heights"

"Nanibago lang ako. Matagal na kasi nung last kong na try yan kaya medyo nahilo ko"

I cleared my throat at nakuha ko naman ang attention nila.

Mukha kong third wheel dito.

"San tayo next? Sayang oras, four hours lang tayo dito"
"Gusto nyo mag space shuttle?"

"Wag muna, mukhang di kaya ni Yvonne"

"Up up and away?"

"Nakakahilo din"

"Flying fiesta? Air Race?"

"Ganon din"

"Susme ano gusto nyo mag bumper na lang tayo?"

"Trev try nyo muna gusto nyong sakyan. Uupo muna ko saglit dito para mamaya makasama na ko sa inyo"

Argh Protagonist be like eh?

"Pero ako nag aya tas iiwan ka lang namin? Gusto mo bang libutin na lang muna tong EK?"

"Mamaya na lang. Sige na mag try na kasi kayo"

"Sure ka?"

"Oo, papasama na lang muna ko sa mga kaibigan ko para di ka nag aalala dyan"

Wow assuming naman.

Err but yeah halata naman kay Aiden.

"Sige. Chat na lang kita kung nasan kami incase na kaya mo na"

"Sige salamat Trev"

Tsk daig pa in a relationship. Kaya ayoko sumasama kapag may mag jowa eh. Napaka cheesy.

Pero himala at magpapaiwan tong babaeng to.

"Tara Haeli"

Nauna na ko maglakad sa kanya.

"Haeli sandali lang naman"

"Tsk"

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Mukha kang bad mood"

"Manhid"

"Ano?"

"Wala. Ano ba sasakyan natin?"

"Space shuttle sabi mo di ba"

"Tara"

Sobrang haba ng pila kaya nag decide si Aiden na bumili muna ng inumin.

Pero halos malapit na yung turn namin pero wala parin siya.

Umuusad na yung pila so I decided na sundan na lang siya.

Tinext ko na siya pero di naman nagre reply.

"Argh. Kainis naman Aid...en. Finally! Nakita din kita"

Tumakbo na ko nung makita ko na nagmamadali siyang naglalakad palayo.

"At talagang iniwan ako? Mukhang balak pa nya manuod sa Rialto ah"

Binilisan ko yung takbo hanggang sa maabutan ko siya sa loob.

Umupo narin ako sa bandang likod nya nung mapansin kong may sinundan pala siya.

Apat lang kami dito at walang nagbabantay.

Hindi ko sinuot yung 3d eyeglass, ganon din siya at yung dalawang sinundan nya.

He Who Passed By (Completed)Where stories live. Discover now