Pagkatapos niyang makuha ang Lixa ay dumiretso siya sa lugar kung saan pwede niyang maisakatuparan ang balak.
He will be powerful, He will be the king and he will rule the world.
Itinaas niya ang bote na may katamtamang laki, umiilaw ang berdeng likido na nakapaloob doon.
Maingat niyang binuksan ang takip nito at hindi na nagdalawang-isip na inumin ang likido.
Ramdam niya ang pagguhit ng init sa kanyang lalamunan. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman, gusto niyang masuka, but he shoudn't. Ilang minuto lang ay nakaramdam siya ng pagkahilo, hanggang sa hindi niya na makayanan at nawalan siya ng malay.
***
Iminulat niya ang kanyang mga mata at sumalubong sa kanya ang nakakasilaw na liwanag. Pumikit siya ulit at sa ka muling iminulat ang mga mata, sinanay sa liwanag ng paligid.
Kakaibang-kakaiba ang pakiramdam niya ngayon, he feel the unmeasurable strength that flows in his body. Bumangon siya at umupo sa damuhan kung saan siya pinanawan ng ulirat.
He is thinkung of something..of someone.
"Ngayon na ang panahon para maghari, wala ng makakapigil sa akin. Ako, ang Tagapangalaga ng Apoy, ay luluhuran ng lahat! Maging ng mga makakapangyarihang nilalang!" Pagkasabi nun ay sinundan niya ito ng malakas na tawa.
Tumayo siya at nagsimulang maglakad, nawawasak ang mga batong naapakan ng kanyang mga paa, tanda ng bagsik at lakas na ngayon ay taglay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/24206297-288-k406025.jpg)
BINABASA MO ANG
Fire Imperium
FantasySa muling pagsikat ng araw ay panibagong laban ang nag-aabang sa pagitan ng kabutihan at kasamaan. Reign of Fire. Sa pagbabalik ng tagapangalaga ng apoy ay muling magsisiklab ang digmaan, He will Avenge the death of his Allies. Rise of the Threat. ...