Encounter

127 7 0
                                    

“Oist!” Pumitik si Rick sa harap niya, siguro nahalata nitong hindi siya nakikinig sa sinasabi nito.

“Bakit ba?” Sumubo siya ng kinakain niyang Sandwich.  Vacant time nila ng oras na iyon kaya naisipan nilang pumunta sa cafeteria para magmeryenda.

“Tol, mukha naman akong tangang nagsasalita dito, hindi ka naman nakikinig.” Natawa na lamang siya sa sinabing iyon ni Rick, ilang araw na rin nang makilala niya ito, at nagkapalagayang loob na sila.

“Nasaan na nga tayo?” Aniya habang sa ibang direksyon nakatingin, marahil napansin rin ito ng kaibigan kaya lumingon dito kung saan siya nakatingin.

“Teka? May gusto ka kay Samantha no? Aminin!” Tudyo nito ng mapansin si Samantha ang tinitingnan niya, kumakain rin ito kasama ang mga girl friends niya.

Well, maybe it’s really obvious, he won’t deny the fact  that he is attracted to Samantha. He is a boy, she is a girl. He is single.. and well, he don’t know if Samantha is single or maybe in relationship, but who cares anyway?

“Eh, ano naman ngayon? Gwapo ako, maganda siya, bagay kami,” He said and winked to him.

“Uy, ang hangin naman nito.” Gyle chuckled. “Pero tol, payong kapatid lang, makakabangga mo si Anton Morales pagdating kay Samantha,”

“Boyfriend niya?”

“Nope. Pero obsessed yun kay Sam. Since high school pa yun nanliligaw sa kanya, merong ibang mga lalaki ang nagtangkang manligaw sa kanya, pero bugbog sarado kay Anton, walang nagagawa ang hustisya sa kanya dahil na rin sa taglay na kapangyarihan ng pamilya niya,” Rick explained.

“Kapangyarihan?”

“Kapangyarihan. Political will and power, Congressman yung tatay nun, General naman ang lolo,”

“O, bakit hanggang ngayon di pa rin siya sinasagot ni Samantha?” Gyle Asked.

“Ewan, malay ko. Siguro obvious namang walang gusto sa kanya yung babae,”

“Oh, edi klaro naman pala, so pwede akong manligaw,” Aniya saka pasimpleng uminom ng softdrink.

“May topak ka ba? Hindi ka ba takot mabugbog ng hustler na yun?”

“Hindi,”

**

Naglalakad si Gyle papunta sa car park nang mapansin niya ang pamilyar na bulto ng katawan na naka-upo sa bench.

Samantha

 

Alas cuatro na ng hapon pero tapos na ang klase nila, bagamat may klase pa ang ibang mga estudyante hanggang six pm.

Naisipan niya lapitan ang babae, total nag-iisa lang naman ito, ang lugar na iyon ay walang masyadong estudyanteng nagagawi kaya nagtataka siya kung bakit nadoon si Samantha at wala pa itong kasama.

Fire ImperiumМесто, где живут истории. Откройте их для себя