Saving Mi Amor

119 9 2
                                    

Dedicated sa'yo :))

*************************************************

(Human Dimension)

Halos mapatid na ang leeg ni Gyle sa kakalingon para mahanap si Samantha sa bulwagang iyon. It’s the night of their Acquaintance party.

“O, baka mabali na yang leeg mo pre sa kakalingon?” Rick said.

“Baka nga, haisst,” Napabuntong-hininga na lamang siya.

“Ano ka ba? Thirty minutes pa lang naman nag-uumpisa ang program, darating rin yun. Wag kang atat.”

Itinuon na lang ni Gyle ang atensyon sa dalawang host na tila ba nakalagok ng isang kaha ng energy drink. Tinalo pa ng mga ito ang mga beteranong komedyante.

Sa field ng school idinaos ang party, nagmukha itong caravan dahil sa daming makukulay na tents na nakatayo, binigyan din ng iba’t-ibang lights ng kulay ang kapaligiran. Lalo pa ng mga estudyanteng nagtitingkaran ang casual wear at cocktail dress.

“Uy, pre, I think si Sam na iyon?” Bulong ni Rick sabay siko sa kanya.

“Where?”

“Ayun oh! Yung naka-bestidang puti! Hanep parang diwata ah,”

Kahit siya ay natulala ng makita ang anyo ng dalaga, para sa kanya ay ito na ang pinaka-magandang babaeng nakita niya. Tama si Rick, nakaputing bestida ito na pinaresan ng kulot niyang buhok at may bulaklak pa sa ulo, kaya tama uli si Rick, parang diwata ito. Or should he say, isa nga itong diwata?

Automatic na tumayo si Gyle at para bang naglakad ng kusa ang mga paa niya papunta sa babae.

“Oist, saan ka pupunta?” ani Rick

Hindi niya na pinansin ang kaibigan, tuloy-tuloy siyang naglakad palapit kay Samantha. Kung ano ang sasabihin niya pagkatapos ay hindi niya alam, basta gusto niya lang malapitn ito.

Ilang hakbang na lang ang layo niya sa babae nang biglang nilapitan ito ng dalawang lalaki. Rumihestro ang gulat sa mukha ni Samantha lalo pa at may idiniing kung anong bagay sa tagiliran nito.

Walang sinumang nakakapansin sa nangyayari maliban sa kanya dahil na rin sa busy ang mga tao sa program ng party.

“Oopps, mukhang may problema?” bulong ni Rick na hindi niya namalayang nasa tabi niya na pala. Mabuti na rin lang at hndi rin sila napapansin ng dalawang lalaki.

Pasimpleng naglakad ang dalawang lalaki kasama si Samantha, tinatahak ng mga ito ang direksyon sa car park.

“Susundan natin sila,” Ani Gyle

“A-ano?”

Fire ImperiumWhere stories live. Discover now