Awakening

127 10 6
                                    

Dedicated kay Melabritaniasipin ^____^

Salamat sa pagbabasa ng libro, at nagcomment ka kaya nakilala kita at kaya dedicated ang part na to sa'yo :)

*********************************************************

Napahinto sa paglalakad si Anton at ang dalawang kasama nito ng huminto ang isang patrol Car at umibis dito ang isang naka-unipormeng pulis.

“Hindi pa tayo tapos,” Ani Anton saka tumakbo kasama ang dalawang lalaki.

“May problema ba dito?” The police asked

“A-ah, wala naman po. S-sige po mauuna na kami,” Rick Answered. Nilapitan nila ang estudyante kanina at tinulungang tumayo.

***Aindria***

 

Nauubos na ang oras. Ngayon na ang tamang panahon. Gawin mo na…

 

Nauubos na ang oras. Ngayon na ang tamang panahon. Gawin mo na…

 

Nauubos na ang oras. Ngayon na ang tamang panahon. Gawin mo na…

 

Napabalikwas siya ng bangon dahil sa panaginip na paulit-ulit siyang dinadalaw.

Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanyang kakamulat lang na mga mata, bumangon siya at hinawi ang telang nagsisilbing pantakip sa daanang iyon papasok sa kanyang hinihigaan.

Tanaw niya sa labas ang mga kasama na naghahanda ng kanilang makakain sa umaga. Bumalik siya sa kanyang higaan at muling naupo at nilamukos ng kanyang mga palad ang kanyang mukha. Naalala niya ang kanyang panaginip.

Ang mga boses na iyon.

Ilang gabi na ba na palaging iyon ang laman ng kanyang panaginip?

Tumayo na siyang muli at lumabas sa silungan nilang iyon. Wala silang permanenteng tirahan dahil naglalakbay sila.

“Caiden! Kakain na tayo!” Napalingon siya sa tumawag sa kanya, si Elana. Katabi nito ang isa pa nilang kasama, si Creon. Habang papalapit naman sa kanya si Yvorra na may dalang mangkok na may uuusok na sabaw.

“Higupin mo muna ‘to,” Nakangiti wika nbaeg ba saka ibinigay sa kanya ang mangkok.

Si Yvorra ang kanyang kasintahan, napaka-ganda nito at napakamaalaga. Nang panahong nangangapa siya sa dilim ay hindi siya nito pinabayaan.

“Bilisan natin, kaunting lakad na lang ay mararating na natin ang lupa ng Harlin.” Ani Creon

Bakit nga ba sila naglalakbay? Simple lang kailangan nilang mahanap ang apat na bato ng kalikasan. Ang apat na mga bato ay dapat na pag-aari ng apat na taga-pangalaga, pero hindi pa ito napapasa-kanila at dapat nilang maunahan ang mga ito sa pagkuha dito.

Isa ang mga bato ng kalikasan sa pitong itinakdang Elemento ng kapangyarihan kasama ng Polseras na nagbibigay proteksyon sa sinumang makakasuot nito, ayon sa mga kasama ay nakuha na ito ng mga Aglaecan; ang medalyon ng lagusan na marami rin ang may hawak; ang mga berhargang hiyas na ang dalawa ay nakuha daw noon ni Salima at ang isa ay hawak ng mga Clovis; ang setro na ang haka-haka ay hawak ng mga Hada kaya mahirap makuha, katumbas ng kapangyarihan nito ang pinagsamang apat na bato ng kalikasan, ibig sabihin apoy, lupa, hangin at tubig ang kapangyarihan nito; Ang isa pang Elemento ay ang buhay na elemento, Ang Aegre; at ang panghuli ay ang ang Lixa na ninakaw ng tagapangalaga ng apoy at pag-aari ng Gunerius.

Fire ImperiumWhere stories live. Discover now