Bring it On

204 8 2
                                    

17 years after the battle of Elemental Keepers

(Human Dimension)

Kriiiinnnnggg! Krinnngggggg!

Kinapa niya ang tumutunog na alarm clock sa side table habang patuloy pa rin ito sa pagtunog. Nang makapa niya ito ay dahan-dahan niyang itinulak dahilan para mahulog sa sahig.

Lumikha ng ingay ang nahulog ito sa sahig mabasag  

"Sh*t!" Doon siya nagising at tuluyang bumangon. Pang-ilang alarm clock niya na ba ito? Hindi niya na mabilang kung ilang Alarm Clock na ang nabasag niya.

Dali-dali siyang bumaba sa kanyang kama, tinapunan niya lang ng tingin ang nagkalat na Parte ng katawan ng Alarm Clock saka dumiretso sa banyo para maligo.

First Day of School.

He is excited since it's his first time to go in there. Hindi na siya nagtataka sa biglang pagsulpot niya sa mundo, at kung bakit mabilis ang growth niya, aware siya sa ability ng kanyang pinsan at lola na nagpalaki sa kanya.

Yes, He grown up without a parent, ang sabi ng ate niya, na pinsan niya ay namatay ang kanyang ina ng ipinanganak siya, at ang ama niya naman ay hindi nila alam kung nasaan. 

Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang nagbihis at dinampot na sa paanan ng kanyang kama ang kanyang back pack. Saka siya dumiretso sa kusina. Nakita niya doon na naghahain ang kanyang pinsan.

Kumuha siya ng mansanas na nakalagay sa fruit basket at akmang tatalikod na sana pero nakita siya ng kanyang pinsan.

"Gyle, hindi ka ba kakain?" Napahinto siya ng marinig ang tawag na iyon ng kanyang Ate.

"Hindi na, male-late na ako!" Aniya sa pagitan ng pagnguya ng mansanas.

"Ewan ko sa'yo," 

Hindi niya na pinansin pa ang pinsan, lumabas na siya ng bahay at dumiretso sa garahe. Pumasok siya sa nakaparada niyang sasakyan at tuloy-tuloy nang pumunta sa school.

Fifteen minutes before magstart ang class which is 7:30 ay nakarating siya sa school premises, ibig sabihin kailangan niya pang maghanap ng lugar kung saan siya magpa-park.

Hindi nagtagal ay nakakita siya ng parking area na wala pang masyadong mga sasakyan, doon na lamang si Gyle nagpark, pagkatapos ay mabilis siyang bumaba at hinanap ang building kung saan ang room niya.

Lakad-takbo ang ginawa niya habang hinahalungkat sa bag ang Registration Form niya kung saan makikita ang kanyang schedule of Classes.

Habang busy siya sa paghahalungkat ng bag ay hindi niya napansin ang naglalakad na babae kaya nabangga niya ito.

"What the Hell? The girl Hissed

"Naku, s-sorry miss," 

"Sa susunod, mag-ingat ka naman, bawal tatanga-tanga dito," Wika ng babae saka nilampasan siya.

Naiwang napakamot sa ulo si Gyle habang nakasunod pa rin ang tingin niya sa papalayong babae.

"Sungit, ganda pa naman sana," He murmured. Well, it's undeniable that the girl is really beautiful. Long, black and curly hair, pair of deep set hazelnut eyes, pointed nose, fair skin and ... kissable lips.

Napansin ni Gyle na halos wala na siyang makitang tao sa paligid, saka niya lang naalala na late na pala siya. Muli siyang tumakbo at hinanap ang kanyang klase.

Tiningnan niya ang RF niya na sa wakas ay nakita niya rin, hinanap niya ang Class schedule niya at kung saang building.

Quezon Building. Room 105. 

Fire ImperiumWhere stories live. Discover now