Green Blazes & White Oomph

118 8 3
                                    

A/N:

May kaunting revision at Edit lang po, pero hindi naman makaka-affect sa story, 

* yung book II na ito ay 17 years after the battle between Salima and Elemental Keepers, so tralagang 17 years old na si Gyle and in few months turning to 18 na.

* In terms of Physical thingy, ang mga Tamawo/Killian/Hada ay equivalent ng five years ang 1 year na pagtanda ng tao pagdating sa 20 y/o. So mabagal silang tumanda. Ang mga Killian sa "Stained Blood"  ay 20 y/0 pa lang so, dito sa book II ay 37 na dapat, pero in physical ay 23 pa lang. :) So hot at gwapo at magaganda pa rin sila.

^___^

 ********************************************

“Yvorra!” Nilapitan ni Caiden ang babae sa pag-aalala kung may masamang nangyari dito.

“Wag mo akong alalahanin Caiden, kaya ko na ‘to,” Tumango naman siya nang masigurong ayos lang ang kasintahan.

“Patayin ang babaeng yan!” Sigaw ng pinuno ng mga Hevonen.

“Sige, lumapit kayo!” Ani Yvorra.

Ikinumpas niya ang kanyang mga kamay at muling lumabas ang mga apoy sa kanyang mga palad.

Hindi pa man nakakalapit ang ilang mga taong kabayo ay nagsitalsikan na naman ang mga ito nang inihagis ni Yvorra ang kanyang mga apoy.

Lalo niya pang pinalakas at pinalaki ang mga apoy sa kanyang palad, ang kanyang mga mata ay naging kulay berde, tanda ng lakas ng enerhiya na kanyang naipapalabas sa katawan niya.

Hanggang sa ang tanging natitira na lamang ay ang pinuno. Unti-unting humakbang papalapit sa kanya si Yvorra, unti-unti rin itong umaatras. Ramdam nito ang kakaibang lakas mula sa babae.

“Sino ka? Saan ka nanggaling? Bakit berde ang kulay ng iyong apoy?” Tanong ng Pinuno

“Hindi na importante ang bagay na iyan. Tatapusin rin naman kita,” Hindi pa man nakakasagot ang Hevonen ay muling naghagis ng mga bolang apoy si Yvorra.

Pero bago pa man matamaan ang Hevonen ay nagsitaasan ang mga tipak ng lupa na nagsilbing pananggalang niya.

Ilan pang tipak ng mga lupa ang lumutang at lumipad papunta kay Yvorra. Sinalubong ito ng kanyang mga apoy, ang ibang tipak na dumiretso sa kanya ay iniwasan niya.

Hanggang sa hindi niya na makita ang presensya ng Taong kabayo. Natakasan siya nito, hindi nila napansing tumakas na ito, ginamit nito ang kapangyarihan para magawa iyon.

Ang kapangyarihan ng mga Hevonen ay napapasailalim sa elemento ng Lupa, pero iilan lang sa kanila ang meron nito, ang mga mapapalad na mga Hevonen na may mga kapangyarihan ay ang mga nagiging pinuno nila dahil na rin sila ang mas malakas at makapangyarihan.

Habol hiningang napa-upo si Yvorra, dahil na rin sa paghugot niya ng kanyang kapangyarihan. Ang Berdeng Apoy. Hindi basta-bastang init ang hatid ng apoy na taglay niya, sa oras na dumapo ang berdeng apoy sa isang pisikal na bagay ay sumasabog ito. Ang lakas ng pagsabog ay naka-depende sa enerhiyang naipapalabas niya.

Matapos pakalmahin ang sarili ay tumayo siya at lumapit a kinaroroonan ng tatlo.

“Gawin mo na Creon,” Wika ni Elana.

Tumango si Creon at yumuko upang maabot ang nakaupong si Elana, hinawakan nito ang palasong nakabaon sa hita ng babae.

“Ahhh!” impit na sigaw ni Elana ng binunot ni Creon ang palaso. Sinundan pa nito ng isa pang sigaw ng binunot pa niya ang natitirang isa.

Fire ImperiumWhere stories live. Discover now