Blossoms Infernos

91 8 0
                                    

“G-gyle?”

Napalingon siya kay Rick, saka niya rin lang napagtantong nakita nito ang ginawa niya, nakita at nalaman nito kung ano ang meron siya.

“Rick..” Marahang lumapit si Gyle sa kaibigan, pero mabilis rin itong umatras, “Tol, OA mo naman, wag ka ngang matakot, hindi kita kakainin. Tsk.”

“S-sigurado ka? I mean..”

“Isusunod kita talaga sa kanila kapag aatras ka pa ng aatras,” Gyle said. Wala nang nagawa si Rick kundi ang tumigil at tumayo na lamang, kaya agad siyang nilapitan ni Gyle.

“Look, pare, I’ll tell you everything, but promise me, you’ll never tell anyone about my ability,”

“O-okay,”

**

(Aindria)

 

Isang tatlong mahihinang katok ang kanyang narinig, bagamat malayo siya sa pintuan ng kanyang silid at nasa veranda siya.

“Pasok!” Sigaw niya

“Mahal na Reyna, may panauhin po kayo,” Wika ng kakapasok lang na babae.

“Let him in,” Aniya habang sinisipat-sipat ang mga kuko sa mga kamay.

Ilang Segundong nanatiling nakatayo ang babae, waring hindi naunawaan ang kanyang sinabi.

“May problema ba, dama?” Aniya

“M-mahal na Reyna, paumanhin, ngunit hindi ko po kayo maunawaan,” Anito saka yumukod.

“Oops, Sareh! Ang sabi ko, papasukin mo na siya,” Tutop ang bibig niyang sabi.

Tumalikod na ang dama, pero halata pa sa mukha nito na hindi naintindihan ang iba niyang sinabi.

Ilang minuto pa ang lumipas nang makarinig siyang muli ng langitngit ng pagbukas ng pinto at mga yabag papalapit sa kanya.

“Mahal na Reyna.” Lumingon siya ng marinig ang boses ng isang lalaki.

“Khalil! Ikaw pala, and pwede ba, don’t call me Mahal na Reyna kung tayo lang naman over here. Hmpp!” Aniya saka inirapan ang lalaki dahilan para matawa ito.

“Masusunod, Razik,” Ani Khalil na yumukod pa.

“Tse! Mae. Mae nga diba?”

“Ang bantot ng pangalan na yan, napaka-common pa, kaya sa ayaw at sa gusto mo, Razik pa rin ang itatawag ko,” Sagot pa nito

“Whatever! Oo nga pala, anong atin at naligaw ka dito?”

“Hmm, hindi ba pwedeng madalaw ang pinakamamahal kong Clovis?”

“Asus, kunyari ka pa, an aga-aga mo eh! Ang sabihin mo makikikain ka lang ng breakfast dito,” Pambubuska ni Razik

“Hindi ah! Pero parang ganun na rin.” Nakangiting sagot ni Khalil

Umirap na lamang si Razik bilang sagot.  Ilang sandali pa ay bumaba na sila para pumunta sa hapag-kainan kung saan naghihintay na rin ang Ina niyang si Lucilla at si Benz.

“Khalil! Napadalaw ka!” Bati ni Lucilla

“Reyna Lucilla, kamusta po?” Yumukod si Khalil sa kanya tanda ng paggalang.

“Tumayo ka nga, nakakahiya kay Razik, siya na ang Reyna ngayon,” Ani Lucilla na tumawa pa.

“Parang hindi pa po ako nasasanay, at hindi ko po alam ang itatawag sa inyo maliban sa Reyna,”

Fire ImperiumWhere stories live. Discover now