Dilemma. Danger. Destiny

136 8 8
                                    

(Human Dimension)

 

Ilang oras nang pabaling-baling sa kanyang higaan si Altheya, hindi siya makatulog. Sinilip niya ang orasan sa bedside table at nakita niyang tatlumpung minuto na lamang at mag-aala-una ng umaga.

Napabuntong-hininga siya at bumangon sa kama, sa hindi niya maintindihan ay kung bakit kanina pa naglalaro sa kanyang isipan ang imahe ni Gyle.

 

Ano bang nangyayari?

 

Nagkaka-gusto na  a ako sa lalaking iyon?

 

Natigilan si Altheya sa isiping iyon.

No! Hindi maaari! It can’t be!

Napatayong bigla si Altheya at tuluyang bumaba sa kanyang higaan. Lumapit siya sa bintana, tanaw niya ang madilim na paligid na natatanglawan ng ilaw na nagmumula sa streetlights. Tumingala siya sa kalangitan, maging ito ay itim na itim, ang mga bituin ay tila ba nahihiyang lumabas at hindi man lang sinamahan ang buwan ngayong gabi.

Tumalikod siya at bumalik sa kanyang higaan at doon muling umupo. Iniisip niya pa rin ang nangyayari sa kanya, iniisip niya pa rin si Gyle.

Hindi man niya aminin ay hinahanap-hanap niya ang presensiya nito at kahit ngayon nga ay gusto niyang Makita at makasama ang lalaki.

Wala namang masama kung magkaka-gusto ako sa kanya eh. Binata siya, Dalaga naman ako. Guwapo siya, maganda ako.

Pero hindi naman lingid sa kaalaman niya na may gusto si Gyle kay Samantha, alam niya ito. Kahit walang sinabi si Gyle tungkol dito ay halata naman. Hindi niya ibubuwis ang buhay sa pagligtas sa isang babae kung hindi ito mahalaga sa kanya.

Marahas na humiga si Altheya at nagtalukbong ng kanyang kumot.  Hindi niya alam kung ano ang iisipin, hindi niya alam kung ano ang gagawin.

***

Sa isang sulok ng silid na iyon ay doon siya naka-upo at malayang nag-iisip ng mga bagay-bagay na nangyayari.

Marahan niyang nilaro-laro ang kopitang may lamang alak, ang bote nito kung nasaan nakapatong sa lamesa ay nangangalahati na ang laman. Habang nasa tabi naman nito ang kanyang ‘trono’ kung nasaan siya palaging nakapuwesto at naka-upo.

Nakarinig siya ng mga yabag papunta sa kinaroroonan niya kaya mabilis niyang nilagok ang natitirang alak sa kopita.

Ilang saglit lang ay nasa harap niya na ang babaeng kanina niya pa hinihintay.

“Anong balita, Mikan?”

“Nahanap ko na siya, Grey. Nasa isang eksklusibo siyang paaralan kung saan siya nag-aaral.” Sagot ni Mikan.

“Kung ganun, maghanda ka, kukunin natin siya sa lalong madaling panahon,kapag nasa tamangedad na siya, bantayan mo siyang palagi at baka mawala pa siya sa iyong paningin.” Napatango na lamang si Mikan sa utos ni Grey. Ibang-iba na ang sitwasyon nila ngayon. Kung dati ay si Mikan ang nagbibigay ng utos sa kanilang mga Aglaecan dahil ito ang kanilang prensesa, ngayon ay hindi na. Hindi hamak na mas makapangyarihan at malakas ngayon si Grey. “Nahanap mo na rin ba sila?” Napa-angat ng tingin si Mikan nang marinig ang isa pang kataungan ng lalaki. Alam niya kung sinong ‘sila’ ang tinutukoy nito, ang mga Clovis.

“Oo, p-pero-“

“Anong pero, Mikan?” Bahagyang napataas ang boses ni Grey  nang marinig niyang may pag-alinlangan sa boses ng babae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fire ImperiumWhere stories live. Discover now