Rise of the Threat

96 6 1
                                    

(Human Dimension)

“Nasaan ka na kasi,” shit. Kainis. Bakit ba hindi ko makita yun?

“Hinahanap mo ba ako?” Halos mapatalon sa gulat si Gyle nang marinig ang boses sa gilid niya.

 It was Altheya. Ito ang kanina niya pa hinahanap. Pagkatapos nang insidente nang gabing iyon ay hinanap niya agad ang babae, at ikalawang araw na nang paghahanap niya dito sa kanilang campus. Ngayon nga ay nasa loob sila ng library dahil nakita niya itong pumasok. Pero halos mag-iisang oras rin siyang naghanap dito bago ito magpakita sa kanya.

“Yes. I have many things to ask you,”

“Tulad ng? Anito saka tumalikod at naglakad na sinundan naman niya.

“Tungkol kay Samantha-

“Anong tungkol sa kanya? Dapat yung nanay niya yung tanungin mo tungkol sa kanya,” Anito

“Look, Altheya, hindi ako nagbibiro. Besides, hindi lang tungkol sa kanya, pati na rin sa iyo. Sino ka bang talaga? Anong kailangan ng mga taong yun kay Sam?”

“Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan yan, Gyle. Sumunod ka sa akin.”

Sa isang rooftop dinala ni Altheya si Gyle. Isa itong building sa kanilang campus kung saan walang masyadong nagagawing mga estudyante dahil na rin sa hindi na ito masyadong nagagamit at luma na.

“Sino ang mga Taong nagkidnap kay Sam?

“Hindi sila tao, Gyle. Mga ligaw lang na mga impakto ang mga yun. At malamang kilala ka na nila, nagreport na yung babaeng yun sa kanilang bosing, kaya humanda ka na.” Paliwanag ni Altheya

“Ano? Anong ibig mong sabihin?”

“Tulad mo at tulad ko, may kapangyarihan din sila. They are using black magic, but take note, hindi ordinaryong magic.  May sa mala-demonyo ang mga tulad nila. Pwede rin silang tawaging kulto.”

“At anong kailangan nila kay Sam?”

“Dugo,”

“Dugo?”

“Inulit mo lang,” Inirapan nito ang lalaki, “Yes. Blood. A virgin’s blood, indeed. Taglay ni Samantha ang dugo na nagbibigay kapangyarihan sa sinumang makakamit nito,”

“M-may kapangyarihan si Sam?

“Wala. Ordinaryong tao lang siya. Pero ipinanganak siya sa tinatawag na Blood Moon. At nakasaad sa propiseya ng mga hindi ordinaryong nilalang ang tungkol dito.”

“I assume na hindi ka tao, Altheya.”

“So do you, Gyle. Walang ordinaryong taong nagtataglay ng isang kapangyarihan. Matagal ko nang binabantayan si Samantha, at iyon ang misyon ko at ang dahilan kung bakit ako nandito,”

“Sino ka ba talaga, Altheya?” Tanong niya. Masyado na siyang nahihiwagaan sa babae at sa mga nalaman niya mula dito. Kung tutuusin hindi kapani-paniwala ang lahat. Nakakagulat. Hindi niya aakalain sa isang gabing iyon ay malalaman niyang nasa panganib si Samantha, at ngayon nga ay malalaman niya ring may kakaibang taglay ito at kung bakit hinahabol siya.

Napabuntong-hininga si Altheya bago sumagot sa kanya, “Tulad nga ng nakita mo ay may kapangyarihan rin ako, Gyle. Telekinesis ang tawag dito sa mundo ng mga tao. Ang mga katulad ko ay galing sa ibang mundo, at ang tawag sa amin ay....Killian.”

(Aindria)

Fire Imperiumजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें