Chapter 1

380 6 0
                                    

Present....

"Mom, do I really need to go to school again? Di ba finished na ko last year?" Tanong ni Xarel, her daughter.

Senior Kinder na ito sa ACM School of Geniuses. Yes, her daughter is a genius. Marunong na itong magbasa at the age of 2. Kaya naman kahit beyond her means ang ACM dahil mahal, dun niya ipinasok ang anak.

"Baby, remember what mom told you? That education is a process, and it takes time?" Sagot naman niya sa anak.

"Yes mom, but I'm kind of bored kasi dito sa school. At times lang po." Nakangiti namang sagot nito.

She's now 4years old, and a spitting image of her dad. If Alery will see their daughter now, would he feel any regret na iniwan sila nito? Wala siguro. Hindi naman nito alam na buntis siya nung iniwan siya nito.

"Off you go baby. You'll be late, and mom still needs to go to the office. Ate Tess will pick you up later, ok? Love you!" Ani Xaxa bago nya hinalikan ang anak.

"Love you too mommy, see you at dinner."

🥰🥰🥰

Nasa opisina na siya ng hindi niya maiwasang alalahanin ang nakaraan. Five years na pala ang lumipas, five long years of longing, and pain. Yet she managed to survive. She was not able to work right after graduation dahil nga nabuntis siya. The first time she learned about it, binalot ng takot ang buong pagkatao niya. Pero ilang araw lang, tinanggap niya ng buo sa sarili niya ang sitwasyon. After all, hindi kasalanan ng anak niya anuman ang nangyari sa kanila ng ama nito. She still tried looking for Alery, though. Pero paano mo nga naman mahahanap ang isang taong ayaw magpakita. Kalaunan, she resigned to every hope, na magkikita pa sila ulit. Kasi malinaw pa sa sikat ng araw na iniwan siya ng binata. Iniwan pagkatapos makuha ang lahat sa kaniya. How ironic. May mga pagkakataon nga na niloloko siya ng bestfriend na si Cher, ang daya daw ni Alery kasi isang beses lang siyang dinala sa langit. Sana man lang daw naulit muna ng maraming beses bago siya nito iniwan. She knows pinapagaan lang nito ang sitwasyon. At sa paglipas ng mga taon, natutunan na niyang tanggapin ng maluwag sa kalooban kung anuman ang nangyari. Lalo na nung malaman niya kung ano talaga si Alery sa sosyedad na ginagalawan nito.

Naisip niya, maybe the reason why he left was that he realized na hindi siya kailanman magpi-fit sa mundong meron ito. Though hindi din naman biro ang mga achievements niya sa trabaho. She's now working for CRE, a real estate company kung saan siya Head ng Sales Department. From sales consultant na laging nagta-top sa benta, tumaas ng tumaas ang posisyon niya. Still, ano nga ba namang panama nun sa isang CEO at may-ari ng pinakamalaking architectural firm sa Asia.

Gabi na ng makarating siya sa bahay, tulog na daw si Xarel ayon kay Tess, ang kinuha niyang kasambahay. Magkaedad lang sila nito. Tubong Samar, at recommended ni Cher. Ayon dito, pinasasabi daw sa kanya ng administrator ng school na parating na ang bagong director. It seems like acting lang pala si Mr. Acosta. The real owner of the school was out of the country, for years. At naisipang bumalik dito sa Pilipinas to stay for good.

"Tess, hindi ba binanggit ni Mr. Acosta kung anong pangalan nung bagong director ng school?" Tanong ni Xaxa.

"Binanggit naman, kaso di ko masyadong narinig, nagkakagulo na kasi yung mga bata dahil uwian." Paliwanag naman nito.

"Ganun ba. Sige, ako na lang magtatanong pagpasok sa lunes. Pahinga na tayo." Anang dalaga.

🥰🥰🥰

"Do you have plans of seeing her again pag-uwi mo ng Pilipinas pare?" Tanong ni Dylan, business partner niya sa Amsterdam.

"I don't think she'll see me dude. After what I did, it's but normal na isumpa niya ko for the rest of her life." Nakangiting sagot ni Alery. Ngiting hindi umabot sa mga mata.

One Fateful DayWhere stories live. Discover now