Chapter 12

328 7 0
                                    

A day before Xach's big day, Xaxa needs to oversee the venue. To make sure na ok na ang lahat para sa event. She was supposed to stay there for a couple of hours, pero nagmadali siyang makaalis dahil may biglaang meeting sa opisina. Isa sa malaking kliyente niya kaya hindi niya matanggihan. Hindi rin siya nag-hesitate umalis dahil si Monina mismo ang nakipag-usap sa designer at event planner na siyang nag-aayos sa lugar.

An hour after Xaxa left the venue, dumating naman si Celine. She's scheduled to fly for Amsterdam three days from now. Pero bago yun, she needed to get even with Alery and his family. When their family interview surfaced all platforms for all the world to see, she felt humiliated. Some of her friends, even co-models taunted her. Sinabi niya kasi sa mga ito na siya ang future girlfriend ng isa sa pinaka-sikat na bachelors in Asia. Matagal na silang hiwalay, at oo kasalanan niya kung bakit. But then, hindi nawala ang pagmamahal niya kay Alery. Alam niya ang lahat ng nangyayari sa binata kahit pa nasa Pilipinas ito at nasa Amsterdam siya. She did all her best para magbago siya. She even attended psychological seminars para lang mawala ang paranoia at pagiging over possesive niya. Nagpaganda siyang lalo thinking that in time, she will get him back. Confident siyang babalik sila sa dati dahil wala namang napaugnay na seryoso sa binata. Even that Xaxa woman. Di ba nga at iniwan ito ng binata after their first encounter. Pero hindi niya talaga akalain na ito pala ang magiging pinakamalaking tinik sa lalamunan niya. Na ito pala ang magiging hadlang sa pangarap niyang makuhang muli ang binata. To think na hindi naman ito papantay sa kung anumang meron siya.

Hindi sya makakalapit ng husto kay Xaxa dahil palagi itong nasa opisina. At alam niya ring may mga nagmamasid dito from afar, mga taong bayad ni Alery to secure her safety, na lalong nagpapakulo ng dugo niya.

But she's not Celine Chua for nothing. Gaganti muna siya bago siya umalis. Her plan was set. She just wants to harm any of her family members. But since she still loves Alery so much, sana wag ito. Si Xaxa na lang, or kung mamalasin, ang mga anak nito. She planted a small bomb sa gilid ng makeshift stage na magsisilbing pwesto ng birthday celebrator.

It's a small device na naka-set sumabog an hour or so once the event starts. Bahala na kung sino masaktan. She'll be in Amsterdam by then. Hindi niya mapigilang humalakhak ng malakas. Mabuti na lang at palabas na siya ng lugar na yon. Kulang pa kung tutuusin ang ginawa niya. But it's better than nothing.

Few more hours, Xachy will turn one. Ang bilis ng panahon.

"The kids are growing too fast. And we are growing old." Natatawang sabi ni Xaxa.

Nasa may veranda sila ng asawa. She's so excited for the event tomorrow, kaya hindi pa siya makatulog.

"It suits you love. The more you age, mas lalo kang gumaganda. Motherhood fits you." Compliment naman ni Alery.

"I'm thankful I have this life with you love. Alam mo yung mas malabo pa sa tubig ng mga ilog dito sa Pilipinas ung start natin. Tapos here we are now. Perfect timing and Gods will." Nagiging sentimental na siya.

"Thankful doesnt even enough to begin with love. You changed my life, you made me better. Ang dami pa nating pagdadaanan. But I promise to be by your side, no matter what. We will grow old together with our kids. And I pray that I go first, kasi hindi ko na alam kung pano mabuhay ng wala ka." Sagot naman ng binata.

"Matagal pa yun dear husband. Pero as of now, parang kailangan na nating matulog. Or we can have a quickie first." Pilyang suhestyon ni Xaxa. Na buong puso namang sinang-ayunan ng asawa sa pamamagitan ng paghalik ng buong pagsuyo sa kanya.

🥰🥰🥰

It's Xachary's big day today! Maaga pa lang ay abala na ang lahat. Sinugurado muna ni Xaxa na ok ang lahat sa bahay nila bago pumunta ng venue. Dumating na din si Cher from Davao, nakisuyo siya na sunduin ito ni Dylan sa airport. Agad namang pumayag ang binata. Mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa base sa tinginan ng mga ito. Pero minabuti muna niyang manahimik. She will save all her questions for later, tutal naman her bestfriend will stay in their house for three more days after ng birthday ng bunso niya. Madami pa silang panahon para magkwentuhan.

One Fateful DayWhere stories live. Discover now