Chapter 9

287 9 0
                                    

Sa Manila Peninsula na din sila kumain after ng wedding. Tawa ng tawa si Cher.

"Nakakahiya ka sa judge kanina sis. Very obvious na atat kang makasal kay Alery." Sabi nito.

Kasama pala ito at si Dylan sa pagpaplano ng biglaang kasal nilang ito. Kinausap ito ng kaniyang asawa, nagpatulong. Alam na din ng mga magulang nito ang kasal nila ngayon, pero dahil biglaan nga, hindi nakauwi ang mga ito para makadalo. Pero nagpadala naman ang mga ito ng regalo, isang bagong sasakyan para sa kaniya, welcome gift umano, bilang parte na siya ng pamilya.

"Loka! Nabigla kasi ako. Saan ka naman kasi nakakita na kanina ko lang nabasa yung proposal, tapos kasal na pala agad ang kasunod. Ni hindi ako nakapag-make up." Sagot ni Xaxa.

"Matunaw asawa mo niyan pare, kanina ka pa nakatitig e. OA!" Pang-aalaska ni Dylan. Noon nga lang niya napansin na tahimik ito.

"Masaya lang ako pare. Church wedding naman next." Sagot naman ng binata.

"No love, this will do. Kasal na tayo, and it's all that matters. Sagot ulit ng dalaga.

"I want to give you the best love." Masuyo ang tinig ni Alery.

"Naku, mukhang kailangan na nating umalis Dylan, if I know, honeymoon na honeymoon na yang dalawa." Pagbibiro ni Cher.

Nasa hotel pa rin silang mag-asawa. Pati na rin ang kanilang mga anak at si Tess, na naka-okupa sa kwarto next to theirs.

"You happy love? Alery ask her. Kakatapos lang nilang maligo, kakatapos lang din nilang pagsaluhan ang maiinit na sandali.

"Everything felt surreal. Even the sex felt different." Natatawang sagot ni Xaxa. Finally, she is now Mrs. Alery Montepiedad.

"You need to change your signature starting tomorrow, that's my number 1 order." He said, seryoso ang tono.

Napagpasyahan kasi nila na magbalik muna sa kaniya-kaniyang trabaho bukas. They will plan the honeymoon/vacay later, para kasama pati ang mga bata.

"I need to get used to having your name on mine first. Bago ko magpalit ng pirma. Besides, I need to update all my documents first." Inaasar niya ang asawa.

Paano ay agad agad gusto nitong Montepiedad na ang gamitin niya sa trabaho. But legalities must go first. Lalo at signatory siya ng mga contracts.

"But you know love, above all else, I just wanna say thank you. For making my dream come true." Ani Xaxa.

"No love, I should be the one saying that. You are the dream that surfaced my life. This is just the start of our lifetime together." Sagot naman ni Alery bago sya masuyong hinalikan. Halik na siyang nagsimula ng isa na namang mainit na sandali sa pagitan nilang mag-asawa.

🥰🥰🥰

New Day. New Life for Xaxa. No one else knew about the wedding. Kaya hindi niya alam kung saan magsisimula, though Alery already gave her the go signal to answer every question about them in case someone will ask.

Busy siya sa pag-aaral ng mga contracts ng mga condo na ire-release na to its respectful owners ng mag-ring ang phone. "Yes Karen?" Aniya sa sekretarya.

"Ma'am, someone is looking for you. A certain Ms. Celine Chua." Imporma nito.

"I don't know her, pero sige papasukin mo." Might be a new client. Yun ang nasa isip nya.

Kaya naman nagulat siya ng bumungad sa kaniya ang babaeng kasama ni Alery sa opisina nito. The same woman his employees were talking about.

She composed herself. "Hi. Anything I can do for you? Have a seat, please." Anyaya niya.

One Fateful DayWhere stories live. Discover now