Chapter 7

333 10 0
                                    

Alery couldn't believe his eyes upon seeing his son. Nalinisan na ito at kasalukuyan ng nasa crib katabi ng hospital bed ni Xaxa, na kasalukuyan namang natutulog.

Naiinis siya sa sarili niya dahil hindi siya ang naghatid sa nobya papuntang ospital. Mabuti na lamang at mabait ang kapitbahay nila. At sobrang salamat din sa panginoon na naabutan niya pa ang dalaga bago nito tuluyang nailabas ang anak nila.

Ngayon siya naniniwalang malakas talaga ang dugo ng mga Montepiedad. Dahil kagaya ni Xarel, kamukhang kamukha din niya si Xachary.

Ilang oras pa, unti unti ng nagmulat ng mata si Xaxa. "Feeling better love?" Tanong ni Alery.

Hawak nito ang kanyang kamay. "Masakit yung tahi, but I feel better. Where's our baby?" Sagot naman ni Xaxa.

"Nandito siya kanina, pero binalik muna siya sa nursery. Natutulog ka pa kasi. Gusto mo kumain?" Pinagbabalat na niya ng prutas ang dalaga.
Maputla pa rin ito.

"Thank you for giving another meaning to my life love. You don't know how much you made me happy." Teary eyed na sabi ng binata.

"Kamukha mo no?" Imbes ay sagot niya.

Napangiti lang ang binata. Pero kakaiba ang kislap ng mga mata nito.

"I knew it. Minsan ang unfair lang. dalawa silang ako ang nagpakahirap pero ikaw ang kamukha. Hustisya!" Pinipilit ng dalaga na tumawa sa kabila ng sakit na nararamdaman dahil sa tahi nya.

"Because you love me so much love, that's why." Confident na sagot nito.

"Aba aba, masama pong mag-assume Mister." Sagot naman ni Xaxa.

"I overheard the nurses talking love, they said pag kamukha daw ng daddy ang mga babies nila, it means the wife loves her husband so much. And in our case, you know na kung ano." His eyes twinkling.

🥰🥰🥰

2 more days, and she's home. Alagang alaga pa rin siya ni Alery. Nag-leave ito for one month just to make sure na maaalagaan siya ng husto.Dalawang katulong din ang nadatnan niya pag-uwi nila nf bahay. Isa para kay Xachary at Xarel, at ang isa ay all around help. May driver na rin at guard. Anito ay hindi naman masamang maging maingat lalo at may mga hindi magandang nangyayari sa panahon ngayon.

Hindi na siya tumutol. She badly wants to go back to work once cleared na sya ng Ob-Gyne niya. But she will request na from home na lang muna siya makipag-transact until such time malaki na ang kanyang bunso. She wants to be a hands on mom, yet she doesn't want to make her brains stagnant. Masayang masaya siya sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Wala na siyang mahihiling pa.

"Love, how about we take a vacation pag one month old na si Xachary? Balik tayo Amsterdam kahit 3days lang, game ka?" Tanong ni Alery.

"Kasama mga bata?" Sagot naman ni Xaxa.

"No love, just the two of us. Si mom and dad muna bahala sa kids. Anyway, its just for 3days. I just felt like I owe this to you. Alam kong nahirapan ka sa pagbubuntis, and even sa panganganak mo, so in return, baka pwede ng compensation yung out of the country?" Nangingiting offer ng binata.

Na ikinatuwa niya ng husto. "But love, can I make a request? Pwede layo tayo konti? I mean, I have this place that i really dream to go to someday." Dreamy ang mga mata ng dalaga.

"Alright, Champ Elysees it is." Biglang sagot ni Alery. Nakangiti.

Nagulat naman ang dalaga, "Wait, how did you know it was the place?" Naguguluhan man, bakas naman sa mukha ni Xaxa ang excitement at kasiyahan.

One Fateful DayWhere stories live. Discover now