Chapter 11

328 5 0
                                    

Palabas si Xaxa ng opisina. She decided to have cheesecake and coffee for lunch. May malapit na coffee shop, just across her office. Pag ganito talagang hindi sila magkasundo ni Alery, diet mode ang peg niya. As in, she can't eat the way she should. Most of the time, coffee and bread lang ang kinakain niya, e rice person siya kung tutuusin.

Pasakay na siya ng elevator ng batiin siya ni Sally, head ng Human Resources. "Congratulations Xa, I had a hunch na si Mr. Montepiedad nga ang apple of your heart, and I'm right." Nakangiting sabi nito at umalis na.

"What the?" Muntik na siyang mapamura. "Ano yun? May alam alam ba ito?" Tanong niya sa isip.

Pagbaba niya ng reception, she can feel that all eyes are on her. Something strange is happening around here. Naisip niya. Pero dahil gutom na siya, deadma muna sa mga tao. Tuloy tuloy siyang lumabas.

Pagdating sa coffe shop, medyo mahaba ang pila. Mga college students ang nauuna sa kaniya. Naalala na naman tuloy niya ang asawa. Pano ay hindi ito tinatantanan ng tingin ng mga kolehiyala kahit saan man sila makarating. Kulang na lang ay maghubad ang nga ito sa harapan ng binata.

"Nabasa mo na ba yung article na kaka-publish lang ni Ms. Monina?" Tanong ni kolehiyala number 1.

"Oo, nakakakilig yung pag-ibig ni Alery my loves dun. Ang lucky ng asawa niya, whoever she is." Sagot ni kolehiyala number 2.

Na agad nagpakaba kay Xaxa. Anong article ang sinasabi ng mga to? At kelan pa yun nilabas ni Nina? Tanong niya sa isip. Hindi mapakali, nangahas na syang magtanong sa mga dalaga.

"Hi girls, sorry for eavesdropping, but may I know kung kelan lumabas yung article na pinag-uusapan niyo? Aniya.

"Hello po," magalang naman ang mga ito. Malamang ay popoin sya dahil bukod sa naka-corporate attire sya, with matching heels. Suot pala nya ang id nya which bares her position sa kumpanya nila.

"The article was published few hours ago Ma'am, magalang namang sagot ng isa sa mga ito."

"Salamat," sagot niya. She decided to left the queu, and sit on one of the chairs in the cafe. Kilala naman siya doon, mamaya na siya oorder. Mabuti at dala niya ang cp niya.

Agad siyang ng-log in sa internet, and after a few clicks, nakita na niya ang hinahanap.

Alery did confess, hindi pa sila pinapangalanan, but still, inamin na nito sa publiko ang estado nito. And not just that, he's begging her to come back. Hindi na tuloy niya namalayan na umiiyak na pala siya.

Frantically, agad niyang nai-dial ang numero ng binata. Ring lang ng ring. She dialled again, ganun pa rin. Bakit hindi niya sinasagot? Naisip niya. Tuluyan ng nawaglit sa isip niya ang gutom. Agad siyang bumalik ng opisina.

🥰🥰🥰

Samantala, nasa condo ang binata ng mga oras na yun. Hindi nito nasasagot ang tawag ni Xaxa dahil nakatulog na ito sa sobrang pagod. Pagkatapos kasi ng interview ni Nina sa kaniya ay bumalik pa siya sa opisina para pumirma ng ilang mahalagang papeles. His interview was published almost an hour after. Iba talaga ang connections ng pinsan niya.

Tinawagan din ni Xaxa ang opisina ng asawa pero kanina pa raw ito nakaalis. Wala rin ito sa bahay nila. She decided to render undertime. Pupunta siya sa condo, she will check kung nandon ang asawa. Hindi na siya nagdala ng sasakyan. Sobra sobrang emosyon ang nararamdaman niya ngayon at pag nagmaneho siya, baka mabangga pa siya. Nag-taxi na lang siya papunta.

She was about to ring the doorbell, when she remembered na dala niya ang susi. Agad niyang namataan ang pigura ng asawa sa may sofa sa sala. Kaya pala hindi niya nasasagot ang mga tawag ko. Saisip niya ng makitang tulog na tulog ito.

One Fateful DayWhere stories live. Discover now