Chapter 3

369 9 0
                                    

Nag-research agad si Xaxa matapos ang pag-uusap nila ni Alery. Medyo na-dissapoint siya kasi ang layo ng Paris sa Netherlands. Hindi niya mapupuntahan yung mga lugar na dine-describe ni Sidney Sheldon, her favorite author, sa isa sa mga novels nito.

Anyway, ok na din. Madaming pwedeng puntahan sa Amsterdam, isa na don ay ang tanyag na Van Gogh Museum kung saan tinatampok ang karamihan sa mga gawa ng sikat na artist mismo. Pwede rin siguro siyang pumunta sa De Pijp. Isa iyong lugar sa Amsterdam kung saan madaming bars and restaurants. She just love eating, so maguugustuhan niya panigurado dun. She can also visit yung mga museums dun, since Xarel has penchants for old things. Parang hindi nga 4years old ang anak. Namana siguro nito iyon sa daddy nito.

Kinaumagahan, nagulat na lang si Xaxa ng biglang bumukas ang kwarto niya at talunin siya ni Xarel sa kama. Pinupog siya nito ng halik habang irit ng irit at thank you ng thank you.

"You made me the happiest mommy. Dad said you might not want us to go since you've got loads of work in the office. But you said yes, and I'm very happy. I love you mommy." Litanya ng anak.

Whenever Xarel's happy, hindi mo ito mariringgan ng kahit na anong tagalog words. She doesn't mind, though. Natutuwa siyang fluent ang anak sa ibat-ibang lenggwahe. She speaks Filipino, English, And Spanish. Next year, French at German naman ang kasama sa curriculum ng mga ito sa ACM. Daig pa nga siya ng anak. Kaya sigurado siya, mamahalin ito ng buong pamilya ni Alery sa Amsterdam.

Siya kaya? Natawa tuloy siya sa naisip. But then, one thing she's sure, hindi siya magpapaapi sakali mang hindi maging maganda ang pagtanggap ng pamilya nito sa kanya.

🥰🥰🥰

Matuling lumipas ang mga araw. She already assigned some of her tasks sa mga tao niya. Naayos na din niya ang two week leave na kailangan nilang mag-ina sa trip na ito.

She's nervous, habang palapit ng palapit ang araw ng pag-alis nila, tsaka naman nagdadalawang isip si Xaxa kung tama bang sumama siya. Pero hindi rin naman pwedeng hindi siya sasama. Sumasagi kasi sa isip niyang baka hindi na ibalik si Xarel ng ama nito, which was absurd, hindi naman siguro ganon kasama si Alery. Anyhow, she's praying for the best.

Araw ng flight nila. Nagulat pa ang dalaga ng malaman na private plane pala ang sasakyan nila. Kaya pala walang binabanggit si Alery tungkol sa visa at kung ano ano pa. Oh well, what can she expect, mayaman ito, in the real sense of the word. Apart from his family's wealth, may sariling pera ang binata galing sa ibat-ibang business ventures nito all over Asia. At nalulula siya sa totoo lang.

When she met him over five years ago, It didn't crossed her mind na nasa ganun itong estado. Kasi kung nalaman niya earlier, she would have doubt his intentions. Hello, ang simple niyang babae. Cliche para sa kanya yung kasabihan na ang mayaman ay para lang sa kapwa mayaman, yet when you're in the same situation, mapapaisip ka rin pala talaga. Kung totoo ba yung feelings, kung ano ba talaga yung intentions.

Anyhow, matagal na yun. They are together now because of Xarel, no romance involved. Nagkataon lang na magkakarugtong na ang mga buhay nila because of their child.

"Are you comfortable?" Maya maya ay tanong ni Alery sa dalaga.

Napansin siguro nito na tahimik siya. They are now flying, and Xarel's already asleep beside her. Nasa gitna nila ang anak.

"I'm good. Baka makakatulog din ako maya maya." Sagot naman nya.

Manila to Amsterdam will take 14 hours, and she can't stay awake all those hours.

"May mga ebooks na available dyan sa ipad, if you want to read." He suggested.

"I'd rather have the physical book, I'm not into online reading, sumasakit ang mata ko. Thanks anyway." Nakangiting sabi ni Xaxa. Natutuwa naman siya na hindi pa nito nakakalimutan ang maliliit na bagay tungkol sa kaniya.

One Fateful DayWhere stories live. Discover now