Chapter 6

313 9 0
                                    

For Sis @calyx023, thank you sis 😘

Masakit ang ulo niya paggising kinabukasan. Umiyak kasi siya bago makatulog. Ng maramdaman niyang lumundo ang kabilang bahagi ng kama niya. Only to find out that Alery was there. Kinusot pa niya ang mata, baka nananaginip pa rin kasi siya.

"How did you get here?" She decided to ask.

"You gave me duplicate keys, nakalimutan mo na ba?" Malumanay ang tinig nito. Saglit na tiningnan ang mga nakalagay sa mesita sa gilid. Which are the vitamins for her pregnancy, plus the baby book.

Hindi na siya nagsalita ulit. Bumangon na siya para magpunta sa comfort room. Wala pa siyang lakas for any confrontation. Ngayon pa nga lang ay nagtutubig na naman ang mga mata niya. Nagsisikip din ang dibdib niya.Medyo matagal na siya sa loob ng banyo when he knocked.

"Love, lets talk please?" May pagsusumamo sa tinig ng binata.

Lumabas siya, and told him, "Al, i just want to be alone for a while. Tatawagan na lang kita." Malamig ang tinig niya, nilagpasan din niya ito. Dumiretso siya sa kwarto ni Xarel. Ilang sandali pa, narinig na niya ang ugong ng sasakyan nitong paalis.

🥰🥰🥰

Napapasuntok na lang si Alery sa manibela ng sasakyan niya. Based on the things on her side table, kumpirmado ng buntis si Xaxa. Nakita din niya ang reseta ng doktor, meaning nakapagpa-check up na din ito. She did all those ng hindi siya kasama. Dahil sa ilang sandaling pag-aalinlangan niya, nasaktan na naman niya ang babaeng mahal niya, at hindi niya alam kung pano makakabawi. Ni hindi niya ito mapilit na pakinggan ang anumang explanation niya. It pains him seeing her almost teary eyed. Pero wala nga siyang magawa. Wala siyang magawa dahil kasalanan naman niya kung bakit nasasaktan ngayon ang babaeng mahal niya.

🥰🥰🥰

One week had passed. Ok na ulit si Xaxa. Handa na ulit siyang magsimula ng bago. Hindi na nagparamdam muli si Alery. At hindi naman na niya iniisip yun. She was here, on the same situation, almost five years ago. At kinaya naman niya. Ayaw niyang umasa ng kahit na ano mula sa lalaking hindi niya alam kung anong papel ang meron sa buhay niya, bukod sa mahal niya ito at ama ito ng mga anak niya. Mahal pa rin naman niya ito, habang buhay na niyang tataglayin ang damdaming yon para sa binata. Pero ang umasa sa isang bagay na hindi nito kayang ibigay, hindi naman siya tanga para gawin yun.

🥰🥰🥰

"Kung di ka ba naman siraulo talaga. Natural magagalit yun. Pangalawang anak nyo na, nagdalawang-isip ka pa rin. Honestly Al, i would want to punch you right in the face, at this very moment." Kunot na kunot ang noo ni Monina.

Kakarating lang niya from Amsterdam. May emergency sa kumpanya nila doon, at kasalukuyang nasa tour ang mga magulang niya kasama si Xarel. Gusto sana niyang magpaalam kay Xaxa, pero hindi niya din gusto na dagdagan pa ang bigat ng nararamdaman nito.

"Hindi ako nagdalawang isip Nina, I was shocked kaya hindi agad ako nakapagsalita. When I was ready to tell her how happy I am, patay na yung linya. And you know the rest." Paliwanag naman niya.

"I have an idea. Why don't I make an article about the two of you, tapos dun ka na din mag-propose? Suggestion ng pinsan niya.

"That's too grand, hindi akma sa taste niya. Very private si Xaxa, alam mo yan." Reklamo ng binata.

"Exactly! Give her something she wouldn't expect na ibibigay mo." Susog pa nito.

"Ayoko Nina. Gusto ko munang magkaayos kami. Tsaka na ko gagawa ng iba pang hakbang. I'm leaving. Pupuntahan ko siya sa office." Paalam na niya.

One Fateful DayNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ