Chapter 8

305 9 4
                                    

Time to go home. Hindi na sila nagpahatid sa airport kay Cher. Busy ang dalaga dahil panahon ng anihan. Kasama naman niya si Tess. Nagkaiyakan pa sila ng paalis na siya at ang mga bata. Nangako din ang kaibigan na dadalaw ito as soon as matapos lahat ng dapat gawin sa farm.

Habang nasa eroplano, malalim pa rin ang iniisip ni Xaxa. Naisip niya paggising kanina na sa town house muna tumuloy. Pero mahihirapan siya dahil nasa bahay ni Alery lahat ng gamit ni Xach, at hindi kakasya yun sa bahay niya. Magtataka din si Xarel pag bumalik sila sa town house. Magtatanong ito, at anong isasagot niya?

"Ang sakit sa ulo," napalakas niyang sabi.

"Mom, are you ok? Masakit po head mo?" Tanong tuloy ng kanyang panganay.

"Oh no baby, I'm fine. Just thinking out loud." Paliwanag naman niya.

"You go to sleep na. Mom will wake you up pag nasa airport na ulit tayo ng manila. Alright?" Dagdag nya pa.

"Ok mommy. Love you!" Then Xarel dozed off to sleep.

🥰🥰🥰

Pagdating nila sa bahay, wala si Alery. Kalalabas lang umano nito para hanapin silang mag-iina. Ayaw niya pang makaharap ito. Kaya naman matapos ibilin ang mga bata kay Tess, at Manang, nagpasya siyang pumasok sa opisina.

She needed to get her mind off the hook. Papunta na siya sa sasakyan ng papasok naman ang sasakyan ng binata. Hindi siya bumaba. Hinintay nyang makababa ito ng sarili nitong sasakyan tsaka inistart ang kotse niya. Humarurot siya palabas. Hindi pinansin ang pagtawag ng binata.

Shit! Agad ang pagsakay ulit ni Alery ng kotse. He needed to talk to her, to patch things up with her. Mabuti na lang at ang mercedez ang dala niya. Agad niyang inabutan si Xaxa sa isang intersection.

Walang nagawa ang dalaga kundi ang bumaba.
Alam niyang siya ang may kasalanan sa dalaga, but this time siya ang masusunod. He instructed her to park her car sa isang fast food chain, at agad niya itong kinuha para naman isakay sa sasakyan niya.

"What about my car?" Poker faced ang dalaga. Ramdam niya ang galit nito.

"Pinakuha ko na kay Jose." Sagot naman niya.

"Where are we going? May mga tatapusin ako sa opisina. And someone might see us." Sarcasm was all over her tone.

"We're going to talk." Si Alery. Idadaan niya ang dalaga sa sindak, kahit alam niyang hindi naman niya ito matatakot. Kinakabahan siya pero hindi niya ipapahalata yun dito.

"Mahalaga ang mga tatapusin ko sa opisina. And Celine might be in your office waiting." Hindi talaga magpapatalo ang dalaga.

"Celine is just a friend. She's my ex, alright. But she's insignificant kaya hindi ko na sinabi sayo that she's here. Paliwanag naman ni Alery.

"I don't care, I'm not asking for any explanation. Hindi ako interesado sa kung anumang meron kayo." Malamig ang tinig ng dalaga.

"Dahil wala namang meron samin, dammit!" Napahampas na siya sa manibela.

Mabuti at nakahinto ang sasakyan. Hindi niya alam kung san niya dadalhin ang dalaga. Pero kung ganitong nagsisimula na ang heated argument sa pagitan nila, hindi maganda kung nasa kotse sila. Until he saw Manila Peninsula.

"Perfect." Saisip ng binata.

Agad siyang nagmenor para pumasok sa hotel. Hindi na nakapalag si Xaxa ng akayin siya ni Alery patungong Manila Peninsula. But darn it, kailangan pa ba talaga nilang mag-check in?

"Bahala na nga," sa loob loob pa niya.

"What now?" Anang dalaga makapasok na sila ng kwarto.

One Fateful DayWhere stories live. Discover now