CHAPTER 1-My Self

5.9K 187 1
                                    

Sofia picture
(Kim sejeong of
IOI or Gugudan kpop girls)
   .............

Sofia picture(Kim sejeong of IOI or Gugudan kpop girls)  

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

Hi,my name is Sofia Keilly S. Mendoza,ako po ay 16 years old.
Mabait,matalino,masipag,mapagmahal at higit sa lahat isa akong nerd kaya lagi nila akong binubully.Mayaman naman po kami kaya dito ako nag-aaral sa isang sikat na school.

Pero sa totoo lang may secreto akong hindi alam ng mga klassmate ko.Porket ba nerd ako hindi na mayaman? Turing kasi saakin isa lang akong scholar kaya nakapunta ako dito sa pangmayaman na school at kaya lagi nila akong tinatawanan.Pero hindi nagkakamali sila kasi hindi nila alam na mayaman ako at sa totoo lang saamin itong school na pinapasukan nila.Yes im the daughter of school owner.

Paano kaya kung nalaman nila na ako ang anak ng may ari ng school mag sosorry ba sila?Si kuya lang ang tinuturing nilang may ari nitong school eh.

Alam po nila na may kapatid si kuya pero hindi nila alam ang grade,pangalan at pati narin gender.Gusto kong masorpresa ang mga nang bully saakin pero joke lang ayaw ko talagang maging center of attraction kagaya ni kuya na laging hinahabol ng mga babae at ang mga kaibigan niya..

Andito pala ako sa bahay nag aayos ng gamit ko para bukas dahil unang araw ko sa senior high school ko,first day of school again.Makikita ko nanaman ang mga bruhang bully sa school.
Habang nag aayos ako ng gamit ko para sa school ay may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Pasok po"sambit ko nang biglang pumasok si mama

"Ohh,anak nag aayus kana pala naabala ba kita?"tanong niya pero umiling ako patapos narin naman na ako.

"Ahh hindi po,patapos narin po ako"

"Sige"umupo siya sa bed ko tapos kinuha niya yung salamin ko na nakapatong sa unan ko.
"Ahh..Fia,anak ano isusuot mo ba ulit itong salamin mo bukas?"tanong naman niya saakin habang hawak parin niya yung eye glasses ko na isusuot ko ulit bukas.

Since grade 10 nung umuwi kami rito sa Pilipinas sinusuot ko na yung eye glasses ko pero sa school lang.Hindi naman talaga malabo ang mga mata ko,sadya lang talaga akong nagsalamin sa school pero dito sa bahay at kapag umaalis ako ng bahay ay hindi.Aaminin ko tulad ko rin si kuya na hinahabol ng mga lalaki sa old school ko noon sa States.Center of attraction din ako doon kaya noong umuwi ako dito sa Pilipinas nagsalamin na ako, ayaw ko kasi ng ganoon lagi nalang akong pinag sinusundan.

Isa rin palang reason kung bakit naging center of attraction ako sa dating school ko dahil kasama ako sa famous teenage band na Gorgeous band pero two years na akong wala roon dahil umalis na ako nung umuwi na kami dito sa Pilipinas.Pero kahit wala na ako sa group sikat parin sila pero kahit na ganoon hindi parin nila ako nakakalimutan na naging member ako sa band na yun kaya nga hanggang ngayon magkakaibigan parin kami.

"Fia,wala ka nanaman sa sarili mo,anong iniisip mo?"tanong saakin ni Mama,natulala pala ako.Miss ko na kasi sila.

"Namiss ko lang po sila,mama"

"Alam kong na miss mo sila,2 years mo rin silang hindi nakikita sa personal"aniya tapos niyakap niya ako at agad rin naman bumitaw.

"Ano po pala yung tanong niyo mama?"tanong ko

"Ano gagamitin mo parin ba ito?"turo niya sa eye glasses ko na nasa bedside ko na.

"Ahh opo,ayaw ko pa pong mangyari yung tulad sa States"ayaw ko na talagang mangyari yung pinagsusundan ako tulad ni kuya.

"Mabuti ka pa hindi tulad sa kuya mo"Talaga,ayaw na ayaw ko kasing madaming nakapalibot saakin,hindi ko naman kasi yun naiwasan sa old school namin kasi kilala na ako ng buong school.

"Hahaha,mana po ako sa inyo eh"biro ko kay mama kaya napangiti siya saakin.

Mana talaga ako kay mama sa ugali lalo na mukha,kaunti lang nakuha ko kay papa tulad ng pagkanta at hilig sa instruments.

"Mana ka talaga saakin"aniya tapos nagyakapan kami

"Sige,matulog kana may pasok ka pa bukas"napatingin naman kami sa pumasok dito sa kwarto ko,si Kuya.

"Naglalambingan nanaman kayo ng wala ako"malungkot na saad niya kaya napangiti ako ng kaunti.

"Ikaw talagang bata ka,hindi kami naglalambingan pero parang ganoon narin.May sasabihin kaba kay Fia?"napatawa ako ng kaunti sa sinabi ni mama,ingit nanaman si kuya kapag naglalambing ako kay mama.

"Opo,Ma"

"Sige pero matulog na kayo pagkatapos mong kausapin si Fia"tumayo na si mama tapos hinalikan niya kaming pareho sa noo ni kuya.

"Opo mama,good night"

"Good night mama"

"Good night rin"lumabas na si mama sa kwarto ko kaya kami nalang ni kuya.Alam ko na yung sasabihin niya saakin.

"Ano ready kana ba uling pumasok?"tanong niya

"Kuya,wala naman akong magagawa pasukan na uli"ready na talaga akong pumasok sa school,may araw din naman yung mga nang bubully saakin.Sabi nga nila kung ano ang ginawang masama sayo babalik sa kanila yun.

"Kung sabihin ko na kaya yung totoo,ano?"

"Kuya naman eh"

"Ito naman hindi mabiro,joke lang.Syempre ikaw pa,bunso ka namin at ang only princess of family Mendoza"napatawa kaming pareho ni kuya sa sinabi niya pero true naman na only princess ako sa family Mendoza.
Dalawa lang kasi pinsan namin sa side ni Papa na parehong lalaki sa side naman ni mama wala dahil only child siya.

"Naman kuya"

"Wag kang mag alala bantay sarado si kuya,simula bukas humanda saakin ang mga mang bubully sayo"ito ang gustong gusto ko sa ugali ni kuya,ang protective sa kapatid.Kaya mahal na mahal ko siya kahit suplado saakin pagdating sa school.

"Ang bait talaga ng kuya ko,hahaha"malambing na sabi ko

Ngumiti siya"Ako pa? Wala ng ibang kuya na nakakagawa nun"aniya na kinatawa uli namin

NEXT DAY....

...

Hello po sana po nagustuhan niyo itong first chapter ko..

Plss..vote and follow narin po.

Thank you po!!...

June 29,2019

I Accidentally Meet The Campus Heartrob [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ