CHAPTER 8-Panaginip

2.9K 93 2
                                    

Panaginip..

"Fie fie..come here"ani ng batang lalaki,pinapapunta niya kasi ito sa swing dahil pagod na pagod na siyang kakahabol kay Fie fie.

"Ayaw ko,habulin mo muna ako"ani naman ni Fie Fie tapos tumakbo uli siya.

"Wag na pagod na ako bakit ba ang dami mong energy?"umalis yung batang lalaki sa swing tapos sabay hawak nito ang magkabilang tuhod niya. "Fie fie,hindi ko na talaga kayang tumakbo pagod na talaga ako"

"Ako hindi naman ahh,bakit ba ang bilis mong mapagod Ethan?"hindi napansin ni Fie Fie na nakalagpas na siya sa playground kaya napunta siya sa daanan ng sasakyan."Ahhhhhh..."sigaw niya,konting konti nalang masasagasahan na siya.Sobrang lapit na talaga sa kanya yung sasakyan.

"Fie Fiee.."sigaw ni Ethan tapos agad niyang hinila si Fie fie na nahimatay.

"Fie Fie...Please wake up"niyugyug niya si Fie Fie dahil hindi parin ito nagigising,nagsimula naring tumulo yung mga luha niya."Please..Fie fie..Please wake up na"

"Anak anak....."lumapit sa kanila yung babae,si Mama.

       ..........................................

"Fie fie..Ethan!"biglang sigaw ko,nilibot ko yung paningin ko.Paano ako nakapunta sa kwarto ko?

Panaginip ba yon? bakit parang totoo? Parang ganoon yung nangyari saakin kanina.

"Anak..Fia gising kana pala"lumingon ako kay Mama na nasa naka upo sa bedside ng kama ko.

"Mama ano pong nangyari? Bakit po andito ako sa bahay at nasa kwarto ko?"tanong ko

"Anak,kahapon kapa tulog,muntik ka nang masagasahan ng isang kotse sa school.Hindi mo ba natatandaan yung nangyari?"aniya,oo nga pala binully kami ni jessica kahapon.

"Kahapon pa po?"tanong ko,feeling ko kanina lang yun nangyari.

"Oo baby,ayos ka na ba? May kakaiba ka bang nararamdaman?"umiling ako sa tanong niya,wala naman akong nararamdaman na kakaiba.

"Si kuya po?"

"Ahh..nasa school na siya kanina pa,sinabi ko rin na sa monday ka nalang papasok.Magpahinga ka muna,yung mga tumulak pala sayo pinagsabihan na ni Kuya mo na wag na wag ka na nilang gugulihin kung hindi ipapatangal na talaga sila sa school"sambit ni mama.

Talaga bang ginawa yun ni Kuya?
"Sige po,pero mama gutom na po ako"napatawa si mama sa sinabi ko,gutom na talaga ako lalo na kahapon pa akong hindi kumain.

"Sige,dadalhan kita ng pagkain mo"aniya bago lumabas sa kwarto ko.

Ilang hours pala akong tulog..
Paano yan nalaman na ba nila na kapatid ako ni kuya? Pero ano yung panaginip ko?

Sino si Ethan?? Alam ko na ako si Fie fie yun kasi palayaw ko nung bata ako pero nitong nagdalaga na ako naging Fia na.Pero sino ba talaga si Ethan? Wala naman akong kilalang Ethan sa buong buhay ko pero bakit kasama siya sa panaginip ko?

"Nak pasok na ako ah"sambit ni mama yes may pagkain na ako gutom na gutom na talaga ako.

"Sige po ma"sagot ko,pumasok na siya na may dalang paborito kong adobo.Favorite ko talaga ang abodo lalo na kapag luto ni mama,masarap kasi luto niya.

"Ohh,pinagluto kita ng favorite food mo"aniya tapos nilapag niya yung tray sa tabi ng higaan ko.

"Thank you po,sabay na po kayo kumain ma"alok ko kay mama

"Kumain na ako kanina kaya ubusin mo na lang yan,kagabi kapa di kumain"

"Thank you po ulit"

Natapos rin agad akong kumain,gutom na gutom talaga ako.Pumasok uli sa isipan ko yung panaginip ko kanina.

"Mama,may tatanugin po ako"

"Ano yun?"

"Mama sino po si Ethan? Napaginipan ko po kasi siya kanina"sabi ko tapos umayos ako ng upo.

"May naalala kana tungkol kay Ethan?"aniya,kilala niya si Ethan?

"May naaalala?"takang tanong ko,may naalala? Hindi ko nga kilala si Ethan paanong naalala.

"Dati kasi nangyari na ito sayo kaya sa sobrang trauma mo hindi mo na naaalala ang mga nangyari sayo at diba hindi mo rin kami maalala dati?"naalala ko yun,gumising ako ng wala akong maalala tapos tinanong ko pa sila mama noon kung sino sila.

"Opo..ibig sabihin po nagkaroon po ako dati ng amnesia?"tumango si mama sa tanong ko.

Nagkaroon ako ng amnesia? So si Ethan kilala ko na siya dati pero hindi ko lang maalala.

"Si Ethan ang kaibigan mo noon nakilala mo siya sa playground na pinaglalaruan ninyo dati at anak din siya ng shareholder natin sa companya pero one day habang naglalaro kayo nang habulan napunta ka sa highway,muntik ka nang masagasahan pero niligtas ka niya noon"kwento ni Mama na kina noot noo ko.

Kaya pala parang totoo yung panaginip ko dahil nangyari na yun dati saakin,nung bata palang ako.Parehas talaga yung kwento ni mama sa panaginip ko.

"Yung kwento niyo po kasi parehas po sa panaginip ko"

"Nagpakita siya sayo sa panaginip"

"Namatay po ba siya dahil saakin?..kaya nagpakita siya sa panaginip ko"natawa ng kaunti si mama sa sinabi ko.

"Hindi,ibig kong sabihin yan ang way para maalala mo siya diba pumunta tayo sa ibang bansa noong 8 years old ka, wala ka pang maalala noon.Hindi ka kasi nakapagpaalam sa kanya at hindi ko rin nasabi sa kanya na pupunta tayo sa ibang bansa noon.Alam mo otang ko sa kanya ang buhay mo noon,kung wala siya baka kung ano nang nangyari sayo noon"kwento niya

Magkaibigan pala kami noon,kung makikita ko uli siya magpapasalamat talaga ako sa kanya dahil niligtas niya ako noon.Pati narin pala kay Park Han,alam kong siya yung nagligtas saakin kahapon dahil bago pa ako pumikit nakita ko yung mukha niya.

Tumayo siya tapos may hinalungkat sa cabinet ko pagkatapos binigay niya saakin
"Sige na anak bababa na ako tsaka nga pala yan yung mga pictures ninyo ni Ethan noon tinago ko yan para may remembrance kayong dalawa"tinignan ko yung photo album,cover palang alam ko nang si Ethan at ako yun.

..Ipagpapatuloy..

Next Chapter 9-Ethan

Please vote and follow me..

Sana rin po I vote at ifollow niyo rin ang story nila..
   
     s0m3th1ngsw33t

Story po niya ay He's My Childhood Friend At Pati narin po story ng kaibigan ko..

       mishclores

Thank you po readersss..

I Accidentally Meet The Campus Heartrob [COMPLETED]Where stories live. Discover now