CHAPTER 32

1.1K 40 6
                                    

Feb na pero ngayon lang uli ako nakapag ud.. pasensiya na po talaga dahil busy sa pagsagot ng module✌️.

-🌼Shen

.

..

Pinunasan ko ang luha ko bago ako tumingin sa kanya.Hindi ko maipaliwanag ang saya.Sa tagal ng panahon naalala ko na ang isang lalaking nagligtas saakin noon.May naalala na rin akong memories nung bata ako.

"Thank you..Thank you Ethan for saving me years ago"Ito nalang nasabi ko.

I don't know what to say!..Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinalikan sa noo.Pinatayo niya ako at pinaupo sa pinakamalapit na bench.Hindi niya inalis ang tingin saakin.

"I remember Ethan..Nag promise tayo sa lugar ito noon,birthday mo rin nung araw na iyon.Di ako makapaniwala,totoo pala lahat ng sinasabi ni Mama"Naalala ko yung araw na binigay saakin ni mama yung childhood album.May nakwento siya saakin na promise kuno namin ni Jonathan nung mga bata kami.

"You call me Ethan again,Fie Fie"

Napangiti ako ng tawagin niya rin ako sa nickname ko noon.Ganito pala feeling kapag tinawag ka uli sa isang pangalan mo.Parang bumalik yung dating mga bata kami.

"Y-you pangit Ethan"Hindi ko alam pero bigla ko nalang nasabi yan.Biglang nagbago ang mukha niya sa seryoso pero ilang segundo ay napatawa siya.

"You Pandak Fie fie"nakakalokong aniya kaya ninliitan ko siya ng mata.
Ako pandak??..no way.Naalala kong iyan ang pang asar niya saakin noon para habulin ko siya.Pero hindi na ako pandak ngayon ha!.

"Pangit!"isang sigaw ko na nagpatayo sa kanya.

Mukhang alam ko na ang mangyayari.Tumakbo siya kaya tumayo narin ako para habulin siya.Madilim na ang pero kita ko parin siya dahil sa mga ilaw na nakapalibot sa mga puno.

"Pandak!"

"Pangit!"

"Pandak Fie Fie!"

"Pangit Ethan,cross my heart..Period,lock,lunok susi!"

Tumawa siya ng tumawa na may kasamang iling pa.Hindi ko alam pero napahinto ako sa pagtakbo dahil sa halakhak niyang iyon.Ang gandang pakinggan.Ngayon ko lang siya narinig at nakitang masayang masaya.Napangiti ako at nagpatuloy sa pagtakbo dahil malayo na siya saakin.

"Pandak ka parin!"sigaw niya mula sa malayo.

"Pangit ka parin..nalunok ko na susi kaya panalo na ako!"sigaw ko rin

Napapatingin na saamin ang mga tao pero wala kaming pake alam basta takbo lang kami ng takbo.Huminto ako sa pagtakbo at hingal hingal na umupo sa isang bench.Pinunasan ko rin ang pawis ko gamit ang kamay.

"Pangit tama na pagod na ako!"sigaw ko uli para marinig niya sa malayo.

"Ang bilis mo namang mapagod pandak?!"tumawa siya at agad tumakbo papalapit saakin.

"Ayaw ko na!"Sabi ko uli.Naglabas siya ng panyo at pinunasan ang pawis ko.

Napatulala ako pero..Asshh.Nakakakilig.

Ngumiti pa siya habang ginagawa iyon.Nang matapos naman ay nakangiti parin siyang tumingin sa mata ko.Nag iwas uli ko ng tingin at napapikit na pinipigilan ang pag ngiti.

"May i ask?"Umupo siya sa tabi ko.

"W-what!?"

"Lahat oo lang sagot mo"

"Ano bang tanong yan?"

"It's a special questions"

"Anong special questions?..puro nalang special ha..Special place,special container tapos ngayon special questions"

I Accidentally Meet The Campus Heartrob [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon