CHAPTER 22-The singing Contest

2.3K 57 5
                                    

Fia POV

Yes,dumating narin ang araw ng singing contest namin.Excited na talaga ako..ako yung pumili sa kanta namin pang laban eh.

"Sofia,ready kana?"tanong ni kuya

"Ok na po,sanay naman po"nakangiting sagot ko.Excited,syempre sanay na sanay na ako kapag nasa stage ako dahil nga kasama ako sa School Band noong nasa States pa ako.

"Sige,iwan na kita rito punta na ako kina mama,good luck Fia my Lil sis"aniya tapos lumabas na dito sa backstage

Manunuod pala sina Mama and Papa saakin.Andito sila ngayon sa school dahil every event ng school andito sila para manuod at para kung may kaunting announcement sila ay masasabi nila pero nitong mga nakaraang buwan ay busy sila lalo na si Papa.Babalik nanaman pala siya States tomorrow para asikasuhin na naman yung business namin kaya kami na uli nila Mom at kuya uli yung nasa bahay isama ko narin ang mga katulong namin.

Andito pala kami sa backstage para mag prepared pero wala parin si Jonathan,30 minutes nalang mag uumpisa na itong contest.

Asan na kaya yun?

Habang hinihintay naming mag umpisa itong contest ay pumasok si Jonathan.Grabe kahit nakita ko na siyang ganyan yung suot niya nung family and business meeting namin hindi parin nakakasawang tignan siya ng ganyan.Ang gwapo niya talaga.

sheesh..Sofia mamaya na yan, mamaya ka nalang kiligin baka hindi ka makakanta mamaya,ayusin mo sarili mo..

"Oh,andito kana pala"pa simpleng saad ko

"Sorry kung late na ako,nakalimutan ko kasing kunin itong gitara ko kaya umuwi uli ako para kunin itong gitara sa bahay"sabi niya at pinatong yung gitara sa may lamesa malapit sa kinauupuan ko.

Naalala ko nung nag practice kaming dalawa sa pagkanta nung mga nakaraang araw.Sa bahay kami nag practice dahil mas gusto niya daw doon kaya doon kami nag practice pero mas maraming time pa ata yung asaran,kulitan at puro kain kesa sa pagkanta,nandoon rin kasi sila Sam,Lexie at Harbs kaya ganun ang nangyari.

Parang bonding tuloy ang nangyari..Haha.

"Sisilip muna ako sa stage habang hindi pa nag uumpisa"sabi ko kaya nagnod lang siya.Nang sumilip ako punong puno itong school hall namin at may nakikita rin kong mga banner ng pangalan ko at si Park Han,meron din akong makikitang banner ni Kuya Jake.Ang dami talagang supporters ng Harbs lalo na si Jonathan.

Paano kaya mamaya kung lumabas kami dito? diba?

Nakikita ko rin sina mama,papa,tita Zelly,tito at si Yessha na magkakatabi.Magkatabi rin si Joshua at Sam pati rin sina kuya at si Ate Diane at ang bagong nabubuo na loveteam na sina Justine at Lexie na magkatabi rin.Kahit kambal yung dalawa madaling mahulaan sa kanila kung sino si Joshua at Justine.

Habang sumisilip ako may biglang kumalabit saakin kaya napatingin ako "Kuya Jake"isa rin tong gwapo ngayon sa suot niya first time ko lang siyang makitang nakasuot ng polo.Ang gwapo talaga ng mga Harbs.

"Not nervous?"tanong niya saakin.Hinding hindi talaga ako mukhang nervous dahil excited na excited ako.Ngayon lang ako sumali dito sa school ng singing contest kaya first time nila kaming maririnig na kumanta ni Jonathan.

"Hindi naman..pero excited oo"

"Baka matalo na uli ako nyan..Haha.Good luck nalang saatin balik na ako doon sa partner ko"nakangiti akong tumango bago siya pumunta sa partner niya.

"Hindi ka nervous?"bigla akong napalingon ng magtanong si Jonathan.

"Hindi,ikaw ba?"

I Accidentally Meet The Campus Heartrob [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon