CHAPTER 33

1.1K 43 9
                                    

Nagising ako ng may ngiti sa labi.Tumayo ako sa higaan at nagsimula ng maligo.Pagkalabas ko ng banyo ay tumunog yung cellphone ko.Kinuha ko ito at syempre binasa.

From:Ethan pangit
Good morning princess fie fie,maganda ba panaginip mo?.

Napangiti uli ako ng makita ko message niya.Simple lang ito pero para saakin ay kinikilig na ako.Isang buwan na ang nakalipas ng maging  kami.Naninibago nga ako kay Jonathan dahil lumabas yung pagkamakulit niya nung mga bata palang kami.Alam narin nila mama at tita na kami na.Tuwang tuwa nga sila dahil hindi daw namin kinalimutan yung promise namin at lalo silang natuwa ng malaman nilang bumalik na talaga lahat ng alaala ko.

Suportado sila saamin pero dahil medyo bata pa daw kami.Laging bilin nila na huwag naming kakalimutan ang pag aaral na kung maaari ay mag aral kaming mabuti.

"Princess Fia,may bisita ka!!!!!"nalahawak ako sa dibdib ko sa gulat.

Pumasok ni Kuya habang pasigaw niyang sinabi iyon.Umupo siya agad sa kama ko na may malaking ngiti sa labi.May good mood ngayon ah.Napangiti ako ng marealize yung sinabi niya.

"Princess na ulit?"

"Opo,mahal na prinsesa..Bilisan niyo na pong kumilos dahil may naghihintay po sa inyo sa baba"

"Sino?"tanong ko.

Walang sinabi saakin si Jonathan na pupunta siya ng bahay ngayon.Hindi naman siguro si Sam iyon or si Lexie.Tska may pasok kami mamayang hapon para sa final exam namin kaya impossibleng sila iyon.

"Basta bumaba ka nalang daw para makita mo siya at magsuot ka ng maganda,yung comportable ka.Huwag kang haharap ng ganyan suot"aniya.Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.Naka white oversize shirt ako na hiningi ko pa kay kuya at padjama na pink.

Humiga siya sa kama ko at pumikit.
"Opo..maraming salamat kuya Butler..maaari na po kayong lumabas at ako'y kikilos na"Bigla siyang napatayo kaya tawang tawa ako sa reaction niya.

"Bakit Butler?..dapat ang aking mahal na prinsipe.Ang badoy ng Butler sa gwapo kong ito?"reklamo niya.

"Ayaw mo yun kuya..gwapong butler"

"Tsk.."Tumayo siya mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto ko na nakasimangot.

Tumawa ulit ako sa kanya pagkatapos ay binuksan ang cabinet ko.Naghanap ako ng pamalit sa pangbahay na suot ko ngayon para hindi naman nakakahiya sa bisita ko kuno.Sinuot ko tuloy yung light blue dress ko na regalo saakin ni kuya nung 16 birthday ko last year.Mabuti nga dahil kumasya pa saakin kahit na matagal ng nakastock sa cabinet ko.

Nang makababa ako nagulat ako nang si Jonathan ang bisita ko.Akala ko hindi siya pupunta ngayon.Ang sabi niya saakin kahapon ay bukas kami magkikita para mag date pero nandito siya ngayon at pinaalam niya pa ako kay mama na aalis kami kaya ayon pumayag pati narin si kuya.

"Saan tayo pupunta? Diba sabi mo bukas pa"tanong ko agad sa kanya pagkaupo ko sa sasakyan.

"Base sa news may posibilidad na umulan bukas dahil sa low pressure area"Siguro nga dahil medyo makulimlim din ngayon.

Hindi na uli ako nagtanong,tumingin nalang ako sa bintana ng kotse para tignan yung mga dinadaanan namin.Dalawang oras na ang byahe namin.Hindi ko narin alam kung nasaan na kami pero nung nakita ko yung lugar sa isang tarpulin ay nagulat ako.

"Province na ito,Jonathan..saan ba tayo pupunta?"ani ko.

"Sa farm namin"

"Farm!?"hindi ko alam na may farm sila.

"Yeah,hindi mo na ba natandaan?..ikaw ang nagsabi noon na kung naging tayo.Pupunta tayo dito para mag date"aniya.

"Sinabi ko yun?"tanong ko.Hindi ko matandaan.

I Accidentally Meet The Campus Heartrob [COMPLETED]Where stories live. Discover now