CHAPTER 11-Caught

2.6K 74 4
                                    

"Good afternoon Sir,Maam"bati saamin ng isang saleslady

Ngumiti ako"Saan po dito yung mga necklace na heart pendant?"I asked.

Naglakad siya kaya sinundan namin siya ni kuya"Dito po ma'am"tinuro niya.Tumingin muna ako doon,lahat nga heart yung pendant tapos ang gaganda.

"Kuya,ang ganda ng mga designs"sabi ko,tumingin rin siya pero agad ring tumingin saakin.

Anong problema?

"Ikaw na mamili hindi ko alam yung gusto niya"aniya

Umiling ako"Kuya,hindi niya ma-appreciate kung ako ang pipili kaya dapat ikaw yung pumili"sabi ko kaya agad uli siyang tumingin sa mga necklace na heart pendant.

Nakatitig lang ako sa kanya habang namimili siya ng necklace.Loyal siya sa naging girlfriend niya pero niloko siya,yun ang first girlfriend niya.

"Miss,pwede po bang makita ito?"tanong niya.Tumango naman yung saleslady tapos kinuha niya yung tinuro ni kuya.

Napangiti ako"Kuya,maganda yang napili mo"maganda naman yung napili niya yun yung necklace na kanina ko pa tinitigan.

Ngumiti siya"Maganda ba?"

"Oo naman,magugustuhan yan ng girlfriend mo"sabi ko.Nagpunta na siya sa counter para magbayad pero lumabas ako.

"Gab!..."naagaw ng atension ko yung babae na hinahabol yung batang lalaki.Sa tingin ko anak niya yun.

"Huli ka"agad kung hinawakan ng mahigpit yung bata nung tumapat siya sa pwesto ko.Siguro nasa 6 or 7 siya.

"Bitawan niyo po ako!"pagpupumiglas niya pero hindi ko siya binitawan.Hinintay ko yung mama niya na makalapit saamin.

"Naku kang bata ka..pinagod mo ako.Sorry iha"pagod na sabi nung babae tapos hinihigal pa

Ngumiti ako"Ok lang po,bakit po ba siya tumakbo?"tanong ko

Hinawakan na niya yung bata tapos bigla nalang umiyak.Madali akong maawa sa mga bata dahil mahilig talaga ako sa kanila,ang cute kasi nila kaso walang bata sa family namin.

"Ayaw ko kasing bilhin yung gusto niyang laruan.Kulang sa budget tapos ang mahal"aniya

"Magkano po ba yun?"tanong ko

"Nasa 500 iha"sabi niya kaya kinuha ko yung wallet ko sa shoulder bag tska kumuha doon ng one thousand tapos inabot ko sa kanya.

"Ito po,tangapin niyo na po yan para sa kanya"i said pero ayaw niyang kunin.

"Naku wag na po..baka mapagalitan ka ng mama mo"aniya

"Hindi po,matutuwa pa po yun sa gagawin ko tsaka kasama ko naman po yung kuya ko"sabi ko.Nakita kong lumabas si kuya sa jewerly shop tapos agad lumapit saakin.

Kinuha niya saakin yung one thousand tapos siya naman yung nag abot"Kunin niyo na po para hindi na siya mag wala"

Tinangap naman niya iyon pero nung may napansin siya binalik niya yung ibang pera"Ito lang po yung kukunin ko,masyado na pong malaki yan"

Hindi namin kinuha yung 500 na binabalik niya,dinagdagan pala ni kuya.Ngumiti lang ako sa kanya tapos tumingin sa bata na tahimik na nakatingin saamin.

"Sukli lang po yan sa binili ko kanina,bilhan niyo narin po siya ng makakain..bawal tangihan ang blessings"kuya said then he smiled,ginulo rin niya yung buhok nung bata.

I Accidentally Meet The Campus Heartrob [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin