CHAPTER 24-Yessha is sick

2.1K 70 9
                                    

LEXIE POV

"Bye ate Lacey"

Lumabas na kaming lahat at nagpunta sila tapat ng mga kotse nila.Si Sam ay kasabay niya si Joshua dahil hinahatid nalang daw siya nito sa kanilang bahay,ganun rin si Park Han kay Fia dahil wala si kuya Yuan para iuwi siya.Si Kuya Jake naman ay lonely lang na uuwi.

"Lexie..mauna na kami"nakangiting usal ni Sam

"Bye Lexie"si Fia

"Bye"nakangiti akong kumaway ng pumasok sila sa kotse.

"Bro,una na kami"paalam ni Joshua.Tumango si Justine na nasa gilid ko at kumaway rin siya ng maka alis sila.

Bumaling ang tingin ko kay Justine"Hindi ka pa uuwi? Nakaalis na yung kambal mo"

"Ahmm...pwede bang lumabas? I mean..mamasyal sa saturday?"tanong niya habang naka yuko at napakamot pa sa batok niya.

"Huh?"

Hindi ko alam pero parang awkward kaming pareho sa isat isa.Sigurado ako na nahihiya siyang makipag usap saakin,ganoon rin ako.Sa buong buhay ko si Daddy lang ang nakaka usap ko ng matagal na lalaki.Hindi ako lapitin sa lalaki at hindi rin ako nakikipag close sa mga lalaki kaya nga medyo nahihiya akong makipag usap sa mga harbs.First time ko lang rin na magkaroon ng kaibigang lalaki dahil kina Fia at Sam.

Mahiyahin ako sa ibang tao pero kapag kaharap ko yung mga taong malapit saakin ay nawawala ang pagkamahiyain ko.Madaldal rin ako at makulit lalo na sa family at malapit na kaibigan ko pero mas gusto ko talaga ng tahimik lalo na kapag nag aaral ako o may pinagka kaabalahan na gawin.

"Pwede ba tayong mamasyal sa Saturday?"ulit na tanong niya

"S-sige"

"Dont worry kasama natin sila"

"Sila Fia?"tanong ko

"Ehmm"tangong sagot niya"Hindi paba nila sinabi sayo?"

"Wala silang sinabi saakin"

"I think nakalimutan lang nila na sabihin sayo dahil busy si Sofia sa paghahanda sa contest kanina"

"Siguro nga"

"Ahmm...aalis na ako,thanks for today,i'll see you tomorrow"

Ngumiti ako ng kaunti"Sige,ingat ka bye"

"Bye"

Pumasok na siya sa kotse niya at pinaandar na niya ito papalayo kaya pumasok uli ako sa loob ng L&L sweet shop at nagtungo kay ate na busy sa pag kuha ang order ng mga costumer sa counter.

"Here's your order ma'am,thank you for coming"nakangiting saad ni ate habang binibigay yung order ng costumer.

"Ate.."tawag ko sa kanya

"Nakaalis na sila?"tanong niya pagkatapos ay inalis niya yung apron na nakasuot sa kanya.

"Oo"

"Sarah,ikaw muna dito"tawag niya sa isa sa mga workers namin.Agad namang lumapit saamin si Sarah at kinuha yung apron ni ate.

"Sige po ma'am"

Kumuha siya ng slice cake at isang frappe coffee pagkatapos ay umupo kami sa available table.

"You know ang gwapo nung mga kaibigan mong lalaki ah.."

"May nililigawan na sila"

"Wala naman akong sinasabing mag papaligaw ako o may gusto ako sa kanila ang babata pa kaya nila para saakin noh.Sinasabi ko lang na ang gwapo ng mga kaibigan mo"

I Accidentally Meet The Campus Heartrob [COMPLETED]Where stories live. Discover now