CHAPTER 31-Memories & Promise

1.1K 53 9
                                    

Hi again☺️ Merry Christmas and Happy New Year po.

-🌼Shen

FIA POV

Nakauwi na mga kaibigan namin.Si kuya Yuan naman ay hinatid lang si ate Diane pero babalik siya para sunduin kami ni mama.Kaming dalawa nalang ni mama ang natirang bisita nila dahil na rin sa hindi matapos tapos na kwentuhan nilang dalawa ni tita.

Nakaupo kami ngayon ni Yessha sa sahig dahil naglalaro kami ng Jenga game.Nakakatawang laro ito dahil sa isang maling kuha mo ay mahuhulog na ang lahat.Napatingin ako kay Jonathan,nakatingin din siya saamin na nakangiti.Umupo siya sa tabi ko na may ngiti sa labi bago tumingin kay Yessha na dahan dahang kinukuha ang mini wood.Nakuha niya ito ng tagumpay kaya ako naman ang susunod ngunit naunahan na ako ni Jonathan.Dahan dahan niya rin itong kinukuha kaya nung nakuha niya ito ay si Yessha uli.

"Arrgh..kuya ang daya mo po!...kami ni ate yung naglalaro eh..."reklamo nito at ngumuso nang nahulog lahat ng mini wood sa jenga.

"Hindi ka agad tumutol eh.."natatawang ani Jonathan

"Hindi mo na nga po sinabi wish mo saakin"tumayo siya pagkatapos ay umupo sa sofa.

Nakasimangot parin ito na nakatingin sa kuya niya.Tumawa uli si Jonathan kaya mas sumimangot ito.Natawa rin ako ng pinadyak padyak niya ang paa.

"Sasabihin ko rin sayo kapag natupad na,promise"

"Kamusta na pala si Timothy?"tanong ko kay Yesh.

Nagkibit balikat siya"Idk..he transferred yesterday,sabi po niya doon na siya sa province mag aaral kung saan lumaki ang mama niya.Tita na raw po niya ang mag aalaga sa kanya kaya dadalhin na siya sa province"naka nguso paring aniya.Mabuti iyon kaysa maiwan sa papa niya.Baka ano pang magawa sa kanya dahil sa kwento niya ay lagi itong lasing simula ng mamatay ang ina niya.Tumayo si Yessha,may kinuha siya sa bulsa ng short niya at pinakita iyon saakin"He gave me this keychain,look"Kinuha ko iyon at pinag masdan.Teddy bear iyon na nakasulat ang pangalan ni Timothy.

"Ang cute naman..pero bakit name ni Timothy?"I asked her

"Binigay niya po saakin iyan para daw po hindi ko siya makakalimutan..I don't have any friends now"malungkot ang pagkakasabi niya.May nabubuo naring luha sa mata niya pero agad niya iyong pinunasan para hindi na tumulo.

"Bakit naman?..Wala kang friend na babae?"mahinahong tanong ko sa kanya.

"Meron po,pero si Timothy lagi kong kasama.."Hindi ko alam na..sa sobrang masiyahin ni Yessha ay bilang lang pala ang kaibigan nito.Ngumiti ako para hindi na siya malungkot."Do you have a crush on Timothy now?"pagtutukso ko sa kanya.

"Wala po ah!!..Wala po akong crush sa kanya ate.."agad na tangi niya.Natawa ako.

"Si Harvie kasi crush niya"ani ni Jonathan.

"Si Harvie yung kwenento mong crush mo?"tanong ko agad sa kanya.

Tumango siya saakin"Siya po yung crush ko pero wala po siyang crush saakin"

"Apo siya ng farmer namin sa province"singit ni Jonathan..Maya maya ay natawa siya habang ginulo ang buhok ni Yessha.Tumingin uli siya saakin na nakangiti"ikaw crush mo ba ako?"

Natigilan ako..Ikaw crush mo ba ako?..
Ikaw crush mo ba ako?..Ang tanong na hindi ko inaasahan.Jonathan naman eh..Oo!!..crush kita simula nung last year pa!.Gusto kong sabihin sa kanya pero embes na sumagot ay tumahimik nalang ako.

I Accidentally Meet The Campus Heartrob [COMPLETED]Where stories live. Discover now