CHAPTER 2-First Day of School

4.3K 147 0
                                    

Nagising ako sa lakas ng tunog ng orasan ko.Gusto ko pang matulog pero kailangan ko nang bumangon dahil pasukan nanaman,tumayo na ako tapos inayos ko yung higaan ko pagkatapos ay ginawa ko na ang morning routine ko.Siguro andoon na si kuya at mama sa kusina dahil lagi silang maagang gumigising.Pagbaba ko andoon na nga si Mama at si kuya Yuan.

Suplado saakin si Kuya sa school pero pagdating na dito sa bahay mabait at malambing siya,two years ang pagitan naming dalawa kaya 18 years old na siya.Si papa pala ay wala rito sa Pilipinas dahil naiwan siya sa States para sa kompanya namin.

"Good morning po"sambit ko agad tska umupo sa dinning table.

"Ohh,good morning din kain kana"ani ni mama kaya umupo na ako sa lamesa at nagumpisa ng kumain.

Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa labas ng bahay dahil yung kotse niya yung gagamitin namin papunta sa school.Sabay kami lagi ni kuya na pumapasok sa school pero hanggang gate lang ako dahil alam niya rin na ayaw kong maging tulad niya kaya naging protected siya saakin.

"Fia,Kailan mo ba maiisipang hindi isuot yang salamin mo at kailan mo rin ipapatangal yang brace mo?"tanong ni kuya habang nagmamaneho,malapit lang school namin dito sa bahay pero mas gusto niyang sumakay ng kotse kaysa maglakad.Tamad talaga.

"Kuyahh...yung brace ko ipapatangal ko na yan maghintay ka lang malapit na pero yung salamin ko sa tamang panahon at ikaw kaya yung nagsabing itago ko mukha ko"sambit ko, nakalimutan ko rin palang sabihin sa inyo na naka brace ako kaya mukha talagang nerd.
Nagpabrace talaga ako nung umuwi kami dito dahil may sungki talaga yung ngipin ko.

"Oo na,pero sabi ko mag mask ka lang hindi magpa nerd"aniya habang nakatingin sa akin naka stop light kasi"Fia,maganda ka naman bakit mo pa kailangan maging ganyan pwede ka namang mag mask,eh"wow first time kong marinig, inamin niya saakin na maganda ako,ano kayang nakain niya?"

"Kuya..ayaw kong mag mask nakakairita kaya yun parang lagi akong may sakit kaya mas ok na ang mag panerd kesa naka mask"sambit ko habang naka cross arm "pero teka may nakain kaba?may nasabi ka ehh na ngayon mo lang sinabi"dugtong ko na medyo natatawa.

"Oo na,maganda ka na yan inaamin ko na"aniya kaya napangiti ako,malapit na rin kami sa school kaya subay bayan niyo na ang hiyawan ng mga kababaehan mamaya.

FIA ACADEMY

Naging Fia dahil makapangalan saakin itong school,FIA dahil sa soFIA na name ko.Malapit na kami sa gate kaya kailangan ko nang bumaba baka may makakita pa saamin na magkasabay.

"Kuya dito na ako"tinigil ni kuya itong kotse sa gilid ng school malapit sa gate.Wala naman makakakita saamin dito dahil puro diretso sa loob ng school yung mga sasakyan ng mga students.

"Sige,ingat ka Fia yang mga nang bully sayo may araw din sila sa akin"Na touch naman ako sa sinabi niya,mabait naman talaga at malambing si kuya saakin pero pagdating na talaga sa school suplado at masungit na yan sa akin pero pangap lang lahat ng kasupladohan nyan saakin.

"Bye kuya"sambit ko at pinaandar na niya kotse niya

...

Ngayon naglalakad na ako papuntang classroom ko malapit na rin naman na ako.Bigla nalang may humarang sa dinadaanan ko,nasa harap ko nanaman ang mga bruha kong bully.

"Aba,akala ko lumipat kana ng ibang school bakit andito kapa? di ka rito nararapat the nerd poorkido"sambit ng isang bruha na si Jessica Dela Cruz siya ang leader nila,ang pinaka bruha sa lahat ng bruha,kapal ng mukha isama ko narin mga alipores niya na si Jade Sanchez at si Viki lyn Gutierrez.

"Oo nga,yuck the nerdo dun kana nga"sambit naman ni Jade tapos tinulak niya ako.Pero bakit pa nila ako papaalisin sa sariling school namin,naalala ko tuloy sabi ni kuya kanina.

Pagkatapos nilang sabihin yun tumakbo na ako at umupo sa dulo ng classroom namin,yun naman laging pwesto ko puro nasa dulo dahil ayaw kasi nila akong lapitan.Habang naghihintay ako ng oras nilabas ko yung sketch pad ko na puno ng drawing,wala pa kasi dito ang teacher namin.

"Hi,pwede bang tumabi?"napalingon ako sa gilid ko,transferee yata siya.

"Ahh..si..sige"nautal na sambit ko,nabigla kasi ako dahil may gustong tumabi sa akin,umupo na siya sa tabi ko kaya di kuna pinag patuloy ang pag dradrawing ko.

Napatingin naman siya sa ginagawa ko,binabalik ko kasi yung sketch pad ko sa bag"Sorry,naabala ba kita sa pagdradrawing mo?"tanong niya

"Ahh,hindi yun naman lagi kong ginagawa kung wala akong magawa"sagot ko tapos ngiti ng kaunti sa kanya.

"My name is Samantha Kate D. Arenos call me Sam para hindi mahaba,ikaw?"aniya,siya palang ang unang babae na lumapit at nagpakilala sakin.

"Ako naman si Sofia Keilly Mendoza,Fia nalang"sambit ko sa kanya at ngumiti.

"Sam,hindi ka ba nadudumihan saakin o-"hindi ko na naipatuloy ang dahil pinutol na niya ang sasabihin ko

Ngumiti siya saakin ng tipid bago magkwento"Hindi,nanggaling din ako sa mga bully sa dati kung school kaya lumipat ako dito,kaya nga nung nakita kita alam ko na binubully ka rin nila dahil nasa sulok ka lang kaya yun nilapitan kita.Parehas naman tayong binubully ehh"binubully rin siya? Pero bakit parang hindi naman,ang ganda naman niya.

"Bakit ka naman binubully ang ganda mo kaya at sa tingin ko matalino ka rin"curious lang kasi ako kung bakit siya binubully sa past school niya.Parang wala naman akong nakikita sa kanya na kakaiba para bullyhin siya.

"Binubully nila ako dahil noong nalaman nilang mistress lang ang mama ko..na hindi daw siya totoong asawa ng ama ko"aniya na kinalungkot ng mukha niya.

"Sorry,bakit naitanong ko pa"Mistress pala mama niya pero hindi naman yun dahilan para ibully ang isang tao.

"Ok lang,parehas lang naman tayong binubully ehh friends na tayo ahh"sambit niya ulit na nakangiti na,napangiti rin ako sa sinabi niya.Sa wakas may kaibigan narin ako,simula kasi noong lumipat ako rito wala pa akong naging kaibigan pero ngayon meron na.

"Alam mo,ikaw lang ang una kung naging kaibigan"sabay naming sambit

Talaga? First friend rin niya ako
"Really?,parehas lang tayo First friend"sambit niya kaya bigla kaming natawa sa isat isa..

...Ipagpapatuloy...

Next chapter 3 -The 5 HARBS

..

Plss..vote and follow me

Sorry po kung may hindi kayo naiintindihan or wrong types...

And

Thank you narin po..

June 29.2019

I Accidentally Meet The Campus Heartrob [COMPLETED]Where stories live. Discover now