Chapter 25

133 9 2
                                    

ANGER




WE STUCK in the middle of the road dahil sa malakas na ulan, basang-basa ang soot kong Uniform, gano'n din naman ang kay Unique. This area is not high kaya madaling mabaha, hindi maka usad ang kotse ni Unique dahil sa lalim ng tubig. Napasandal ako sa binatana ng kotse, Xander must be very mad at this moment, at hindi ko siya matawagan dahil naiwan ang cellphone ko sa bahay. Hindi ko rin naman siya pwedeng tawagan gamit ang number ni Unique dahil paniguradong gulo ang maidudulot no'n, ito nga ay gulo na. Siguro sa mga oras na ito ay alam na niya na hindi ako pumasok, at wala rin ako sa bahay and worst baka alam niya na rin na kasama ko ang kapatid niya. How ironic my life is? Xander is Unique's older brother, while Unique is my cousin from my mother side?


"Fuck, bakit ngayon pa umulan ng malakas, my car can't move dahil malalim na ang tubig and it's getting dark."


Inabot kasi kami ng hapon doon sa sementeryo dahil marami kaming napag-kwentohan, mostly about his mother and mine.


"I'm sorry Fedy." may pag-aalala sa kanyang boses, maybe we're thinking the same. Thinking about Xander and his anger.


"It's okay hindi mo naman ako pinilit, nag kusa akong sumama, i face my husband anger. I'll be okay don't worry."


Huminga ito ng malalim,. "Kung sana umalis na lang tayo kaagad kanina, sana hindi ito nangyari."


"Kuya, it's done, nangyari na, let's face it. Wala namang mangyayari kung ngayon pa tayo magsi-sisi.


Yes, i called him kuya, iyon ang gusto niya na gusto ko rin naman. Napag-kasunduan din namin na hindi namin sasabihin ang nalaman namin sa kahit na kanino lalong-lalo na kay Xander, dahil tiyak na mas lalong magagalit daw ang kuya niya sa kaalamang parti rin pala ako sa pamilya na sumira sa mommy at daddy ni Xander.



"We need a place to stay Fedy, hindi tayo safe dito sa loob ng kotse, and i know nilalamig ka dahil nabasa ang damit mo."



"Kuya if something bad will happen today, nasa tabi lang naman kita diba? Hindi mo ako ipapahamak kagaya ng ginawa ng pamilya ko sa akin?" Suddenly i asked, nararamdaman ko kasi na may mangyayari talagang hindi maganda ngayon. 



"I will never leave you, you're my family, aalagaan at po-protektahan kita."



"Then I'll be fine as long as you're with me." Naka ngiti kong sabi na ikinakunot naman ng kanyang noo. "Maybe let's start finding a motel or anything na pwede natin mapag-pahingaan, dahil palakas ng palakas ang ulan at tila walang balak ng tumila."




Ng masiguro na naka sarado ang kotse nag hanap kami ng kwarto na pwede naming mapag-lipasan. Inn ang na kita namin at first we're both hesitant, Hindi kasi maganda ang reputasyon ng mga ganito sa Pilipinas. It's either iisipin nila na bayarang babae ka, kabet o kaya malandi. Hindi rin nakakatulong ang tingin ng nag-aasisit sa amin, mapanuya ang tingin na ipinukol nito sa akin, maybe it's becuase naka soot ako ng unifom while kuya wearing his doctors Unifom.



"Relax, don't mind them, they don't know about us." mahinang sabi ni kuya sa akin, he place his arm at my back to guide me.



"Enjoy ma' am and sir." sabi ng babaeng naghatid sa amin sa magiging kwarto namin ni kuya, isang kwarto lang ang kinuha namin dahil parehas kaming walang cash, and they don't accept cards.




"Take shower in the bathroom, and hang your clothes para matuyo kaagad. Here take this." Inabot ni kuya ang tuwalya na kulay puti, Hindi ko magustohan ang amoy, detergent.


FIDELITYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora