MHSS 12

25.5K 854 868
                                    

Lanèa Yshi Aguirre

It's Saturday kaya naisip ko papuntahin sila Hannah at Miya today. Tamang-tama at ipapakilala ko si Joko sakanila.

Joko and I are friends. Well honestly he admits na he likes me at gusto niya ligawan ako. Pero nakiusap ako na friends na lang muna kami dahil graduating student ako at focus din ako sa pag mo-model at the same time.

Which is naintindihan naman niya and he still willing to wait until maka graduate ako this semester.

Deep inside kinikilig ako ng marinig ito sa kanya.  Who wouldn't? Iilan na lang yata ang mga lalake na willing maghintay.

Joko is a sweet person. Madalas nga niya ako i-kiss sa cheek ko at i-hug din ako. Aaminin ko wala pako first kiss at my age dahil nga masyado ako pahikan sa lalake at never pa din ako pumasok ng relationship.

If that day will ever come gusto ko si Joko na. He's the one I wanted.

Napaigtad ako ng i-kiss niya ako bigla sa cheek.

"Oh my god Joko!" maktol ko pero kinikilig din talaga ako.

Tumawa ito. "Tulala ka kasi buti nga hindi kita hinalikan sa lips."

Namula yata ako bigla sa sinabi niya at nagkunware galit.

"No! yun ang wag mo gagawin." pinandilatan ko ito at alam ko na gets niya yun.

"Okay.. pero pag girlfriend na kita araw-araw kita hahalikan." at saka nagtaas baba ang kilay nito na halos ika pula na yata ng mukha ko. Jusko!

"Arghh!" hampas ko sa balikat niya at tawa-tawa lang siya.

Bigla naman ang pagdating ni Aneka at sinabi dumating na ang friends ko.

"Tara at ipakilala kita sa kanila." aya ko dito at nauna ng maglakad pero nagulat ako ng hawakan ni Joko ang kamay ko at ngumiti ito.

Sabay na kami naglakad palabas at sinalubong sila Hannah at Miya.

Bumitiw lang ako ng maka labas na ng pinto.

"Hi Girls!" bati ko sa dalawa at bumeso.

"Oh my god Lanèa!" mahinang tili ni Miya ng mapansin siguro si Joko sa likod ko. "Ang gwapo!" mahinang bulong nito.

Natawa naman ako at si Hannah at sinenyasan ko na lang siya na wag maingay.

Pumasok na kami lahat sa loob at dumeritso sa living room.

Agad naman nagpakilala si Joko sa dalawa.

"Hi I'm Joko Jimenez." pakilala niya sa sarili at lumapit sa dalawa.

Halos mahimatay itong si Miya ng halikan siya sa kamay ni Joko.

Ngiti at tango naman si Hannah ng bumeso sa kanya si Joko.

"Ang bango-bango mo naman." di na napigilan ni Miya ang kanina niya pa kilig kay Joko.

Malakas na tumawa naman si Joko dito. "Thanks to my Ralph Lauren perfume." saad nito.

"So kamusta namang kayo ni Ysh?" si Hannah naman na halatang curious sa amin.

Ngumiti si Joko ng matamis bagay na kinahuhumalingan ko sa kanya ang gwapo niya kasi lalo pag naka ngiti.

"We are friends.. for now." halata ang pagka gulat ng dalawa sa sagot ni Joko. "Soon she will be mine."

Yun lang at nakarinig nako ng tilian mula sa dalawa. Labis yata ang kilig ko ng mga oras na yun.

Nahihiyang hinampas ko ulet si Joko sa braso nito dahil katabi ko naman siya.

Madami pa itinanong ang mga girls kay Joko. Ilang saglit lang at ibinalita ni Aneka na dumating na din ang pinsan ni Joko na agad din sinundo nito sa labas.

My Homophobic Step-sister (GXG)Where stories live. Discover now