MHSS 42

24K 744 376
                                    

Lanèa Yshi Aguirre


Nagising ako sa isang napaka habang pagtulog. Eto na yata ang pinaka masarap na tulog ko sa lahat. Dahan-dahan ko minulat ang aking mga mata at nakaramdam ng sakit ng ulo.

Urghh hangover!

Napabangon ako bigla ng maamoy ko ang pamilyar na pabango na hindi ako pwede magkamali.

Perfume iyon ni Zai!

Mabilis ako tumayo at tumingin sa paligid ngunit wala maski anino o bakas niya na nagsasabi na nandito siya.

Sumagi sa isip ko na wala na pala siya at naka alis na kahapon. Nag iimagine lang siguro ako. Impossible naman na pumunta siya dito sa Isla.

Dahil iniwan na niya ako at bumalik na siya ng Amerika.

Muli na naman namuo ang mga luha sa aking mga mata at ilang saglit pa ay napahagulgol nako at napasalampak sa sahig. Mahina akong umiyak at napayakap sa aking mga binti.

Sobrang sakit sa pakiramdam na wala man lang ako nagawa para pigilan siya.

Ramdam ko ang paninikip ng aking dibdib at hirap sa paghinga. Kaya naman pinilit ko tumayo at nagtungo sa banyo.

Kinuha ko ang gamot sa first aid kit bag ko at ininom ito. Ilang saglit pa ay nawala na ang bigat sa dibdib ko. Nagpahinga ako bago naisip maligo at magbihis.

Isinantabi ko muna ang pagiisip masyado kay Zai. Dahil mula pa kagabi ay puros iyak na ang ginagawa ko.

Simpleng crop top at maong na shorts lang ang isinuot ko. Mag mula ng ihinto ko ang pag mo-model ay hindi ako nakalimot alagaan ang figure ko.

Matapos makapag-ayos ay bumaba nako. Naisip ko kumain na lang sa labas dahil hindi naman ako marunong magluto.

Ngunit pagbaba ko pa lang ng hagdan naka amoy nako ng aroma ng kape.

Sa naalala ko ay mag-isa lang ako dito sa cabin. Baka naman nagpadala ng helper si Ms.Zehra para sa akin. Tama baka nga!

Dahan-dahan pako nagtungo sa kitchen ngunit nag taka ako ng walang naabutan na tao dun. Napansin ko din ang blender coffee sa counter top na halatang kagagamit lang.

Naiwan pa dun ang baso na may bawas ng kape.

May nakapasok ba dito sa cabin ng hindi ko man lang alam! Nagawa pa talaga mag kape!

Ohmygod!!

Napahawak ako sa dibdib at nakaramdam ng sobrang takot. Sa possible pumasok na tao na walang pahintulot ko.

Akala ko ba safe dito sa Isla???!!!

Agad ko kinuha sa pocket ko ang phone at mabilis na dinial ang number ni Mrs.Delluci. Para humingi ng tulong.

Naka tatlong ring na ngunit hindi pa din nito sinasagot ang tawag ko kaya pinatay ko na.

Nang bigla na lang bumukas ang main door sa living room na ikinagulat at labis na takot ko.

Nakarinig ako ng mahihina na yabag ng paa tanda na papalapit na dito sa kitchen.

Sa labis na takot ay dinampot ko ang walis na nasa gilid lang ng ref at inihanda bilang defensa sa paparating na intruder.

Nagtago ako sa gilid.

Natanaw ko na ang anino ng tao at pikit mata na hinampas siya ng walis. Bahala na!!!

"Yahhh!" malakas na sigaw ko kasabay ng paghampas ng walis sa taong akyat-bahay.

Bogggghhhhsss!!! Laking gulat ko ng bumagsak ang taong nahampas ko sa ulo sa mismong harapan ko.

My Homophobic Step-sister (GXG)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin