MHSS 13

25.5K 839 324
                                    

Lanèa Yshi Aguirre

Everything's change.

Hindi ko alam basta pag gising ko kanina may iba na sa akin. At hanggang ngayon para akong nababaliw dito sa kama na pagulong-gulong. Tanghali na ngayon at hindi pa din ako bumabangon.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking mga labi. Pilit ko winawaksi ang nasa isip pero hindi ko pa din mapigilan na pakiramdaman ang sarili kung ano ang mali.

Napasapo ako sa aking ulo dahil paulet-ulet lang nag re-replay sa isip ko ang nangyare. Shit!

Inis na sinabunotan ko ang buhok at padabog na bumaba ng kama. Nag punta ako ng cr at humarap sa salamin.

Napatingin ako muli sa aking labi. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses ako nag toothbrush kagabi para lang mawala ang virus o bacteria na kumapit sa akin.

Kumuha ako muli ng toothbrush at toothpaste. Muli ay nag sipiliyo ako ng madiin na sana mawala na din pati ang naiwan na amoy niya sa aking bibig.

Mabilis ako nagmumog at pagkatapos ay nag shower naman.

Isang plaid skirt at white blouse ang sinuot ko na pinarisan ko naman ng pointed heels.

Sunday ngayon at inaya ako ni Joko kumain ng lunch.

Matapos magbihis lumabas nako ng room maka ilang beses pa yata ako nagpa linga-linga.

Sana lang talaga hindi ko siya makita!
Argghhhh!! Naiinis na naman ako ng maalala ang nangyare kagabi.

Dahil sa lakas ng ulan at kulog hindi na natuloy ang plano sana namin mag inom sa garden idagdag pa na nag brownout kagabi.

Tinext ko na lang tuloy si Joko na wag ng bumalik pa ng mansion. Next time na lang ang plano na yun. Pati sila Hannah at Miya ay umuwi na din.

Buong gabi ako wala sa sarili ko. At hindi rin ako naka tulog ng maayos. Lahat ito ay kasalanan ni Zai.

Yup she's the one to blamed here.

Dahil kung hindi naman siya tampulan ng t*nga at naka harang eh di hindi ko sana siya nabangga at hindi din kami bumagsak sa sahig at hindi ko sana aksidente siya na halikan!!!

Damn it!!!

Bakit kasi kung kelan brownout andun din siya sa kusina!

Salubong ang mga kilay ko bumaba ng hagdan.

"Good morning Miss Lanèa." bati sa akin ni Aneka agad napansin nito na wala ako sa mood.

Luminga linga ako sa living room pati sa veranda.

"Si Zai asan?!" inis na tanong ko dito ng di ko makita ang anino.

"Maaga po siya umalis mag sisimba po yata."

Mabuti naman at wala siya.

Wait ano daw?

Bigla ako natawa ng malakas. "Seriously hindi siya pwede sa church baka masunog ang kagaya niya." at napangisi pako.

Napangiwi na lang si Aneka sa naging reaksyon ko.

"Hindi mo ba alam?"

Nagtaka naman ito. "Ang alin po?"

"Isang lesbian si Zai! And I can't wait na dumating si mommy dito para ipaalam ito."

And if that day comes hihilingin ko kay mommy paalisin dito si Zai. Hindi siya pwede dito sa mansion lalo na at di ako safe sakanyan. She's stole my first kiss for god sake!!!

Baka mamaya kung ano pa gawin niya sa akin.

"Wow grabe ang ganda naman niyang lesbian." di makapaniwalang saad ni Aneka na ikina taas ng kilay ko.

My Homophobic Step-sister (GXG)Where stories live. Discover now