MHSS 19

25.6K 833 477
                                    

Lanèa Yshi Aguirre

"Ano seryoso kaba?!"

Napairap na lang ako sa tinis ng boses nito ni Miya. Nabanggit ko na din kasi sakanya na niyaya ko sila Zai at Nadià nung huli sa restaurant maging ang mga napagusapan din.

Hindi nga siya makapaniwala na gumawa ako ng plano para sirain ang career ni Nadià. At ang mapalapit kay Zai para gamitin siya.

Ngayon araw kasi nag-aya si Nadià na pumunta kami ni Zai mamayang gabi sa post party celebration niya na gaganapin sa isang bar. Dahil daw ito sa success ng launching nila ng bago niya ini-endorso na produkto. Tskk!

Tutal sabado naman kaya pumayag na lang ako.

Tingin ko naman exclusive ang party para sa mga friends, models at iba pang mga nakasama ni Nadià sa proyekto.

"Wag ka nga maingay baka mamaya nian may makarinig sa atin." saway ko dahil andito kami ngayon sa veranda naka tambay at si Zai naman nasa kwarto niya at hindi pa nababa mula kanina.

Dumampot naman si Miya ng donut na dala niya saka ito kinagat. "Bakit kapa kasi pupunta dun?" tanong nito pero sa pagkain nakatuon.

Gusto ko talaga malaman kung sino nga ba si Nadià. Bakit ganun na lang ang closeness nila ni Zai.

Balita ko kasi wala itong boyfriend sa ngayon.

Napa ngisi ako. "Sabihin na natin na ito na ang simula ng plano ko."

Binalaan naman niya ako. "Just make sure na sa huli hindi ka ipapahamak ng plano mo na to Ysh. Malaking gulo ito pag nagkataon." seryosong saad ni Miya.

Nagkibit-balikat lang ako sa sinabi niya. Hindi na mag babago ang nasa isip ko.

Mula ng maganap ang fashion event nung nakaraan nahati na ang mga tingin ng tao. May mga ilang fans ako na nag lipatan na sa kanya. Nagulat na nga lang ako ng minsan ibinalita ni Manager Anne sa akin na hindi na daw ako ang kukunin na mag cover ng magazine sa next month issue nila dahil si Nadià na daw ang napili nila.

Sobrang na stressed ako sa buong araw nun at nagkulong lang ako sa kwarto.

"Hindi ako papayag na ang katulad lang ni Nadià ang tatalo sa akin. Sisiguradohin ko akin lang ang kasikatan!" puno ng determinasyon ko na saad. Sisirain ko siya yan ang sinisiguro ko.

Mga isang oras pa nanatili si Miya bago nagpasya umuwi.

Umakyat na din ako sa taas para mamili ng isusuot ko hindi rin ako dapat mag pahuli pagdating sa fashion. Tiyak madami ang makaka pansin sa akin pag dating ko doon mamaya.

Sisiguradohin ko na pagtitinginan ako ng mga tao mamaya.

---

Padabog ko isinara ang pinto ng banyo ng maka pasok sa loob. Napaka daming tao sa labas na naka harang kala mo gagamit ng cr. Mga naka tambay lang naman! Tskk.

Agad ako dumeritso sa salamin para mag retouch ng make up at mag pahid muli ng lipstick.

Andito na ko ngayon sa bar na sinabi ni Nadià. My goshh! Kala ko pa naman exclusive lang sa amin e halu-halo na ang mga tao na andito sa bar. Mas madami pa ang outsiders.

Nakarinig ako ng tuloy-tuloy na malakas na katok mula sa labas kaya kinuha ko na ang ibang gamit at mabilis na inayos ang sarili.

Binuksan ko ang pinto at tinitigan ng masama yung babae na palagay ko ay natatae na sa itsura niya.

Pag dating ko palang dito sa bar naiirita nako. Masyadong crowded at halos di na mahulugan ng karayom. Lakas maka cheap bar ba!

Sa dinami dami bakit ba kase ito yung napili niya!

My Homophobic Step-sister (GXG)Where stories live. Discover now