MHSS 40

23.6K 799 283
                                    

Lanèa Yshi Aguirre

Dinadama ko ang simoy ng hangin na dumadampi sa mukha ko. Nakapapawi lang ng pagod at lumbay.

Napahinga ako ng malalim saka nagmulat ng mata. Nang maka ramdam ako ng yapak ng paa tanda na may papalapit sa akin.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Maayos ako umupo at umalis sa pagkakasandal saka nilingon ang taong nagsalita.

"Mabuti naman po Lo." tipid na ngiti lamang ang naibigay ko sa matanda.

Naupo sa katabing upuan ko si lolo para matignan niya ako ng maigi. Sinalat niya ang noo ko kung may lagnat pako.

"Medyo mainit ka pa apo." nag aalalang tumingin ito sa akin at napailing. "Kakausapin ko si Marian mamaya. Dumito ka muna hanggang sa gumaling ka." dagdag pa nito at mahihimigan mo ang pagka seryoso sa tono ng boses nito.

"Pero Lo hindi p-pwede." tanggi ko.

Matigas na umiling ang matanda. "Ako ang masusunod dahil nandirito ka sa pamamahay ko." giit pa nito.

Nang mawalan ako ng malay sa opisina nung nakaraan linggo ay madalas na sumama ang pakiramdam ko. Dahil sa tambak ng trabaho hindi ko na maisingit sa schedule ko ang mag patingin sa doctor.

Mga over the counter meds lang ang madalas ko inomin katulad ng aspirin. Pag nakakaramdam ako ng pain at fever.

Kaya nga kahapon naisip ko mag pa drive kay Mang Pabian at magpahatid dito sa Quezon sa hacienda para makalanghap ng sariwang hangin at malayo muna sa siyudad na nakadadagdag stress sa akin. Tutal din naman ay holiday at long weekend.

Ang nurse ni lolo na si Helena ang paminsan-minsan tumitingin sa akin.  Ngunit ang payo nito ay mag patingin ako sa doktor para makasiguro.

"Inaalala ko lang kompanya." mahinang usal ko at napatingin sa mga puno sa labas na sumasayaw sa lakas ng hangin na tumatangay dito.

Napaka payapa talaga ang buhay probinsya.

Mabilis na lumingon ang matanda sa tinuran ko.

"Lanèa alam ko may dinaramdam ka. Hindi makabubuti sayo ang sobrang pag ta-trabaho. Magpahinga ka muna kahit mga isang linggo o kaya isang buwan mas maigi yun." suwestiyon nito.

Kung pwede lang matagal ko na yun ginawa ang mag bakasyon. Ngunit napaka strikto ni mommy pag dating sa business. Ayaw niya na naungusan kami ng iba.

"Hindi ko pa masasabi yan Lo."

Mahinang tinapik ni lolo ang balikat ko. "Pag isipan mo sana yun apo. Tignan mo si Zai ang balita ko ay masaya siya ngayon na nililibot ang  iba't-ibang bansa at isa na siyang ganap na professional photographer." masayang balita ng matanda sa akin.

Buhat doon ay napangiti ako.

Alam ko ang lahat ng iyon dahil hindi ko nakakaligtaan silipin ang mga post niya sa social media. Updated ako lagi sa ginagawa niya kahit malayo na siya.

Talaga nga naman sikat na siya ngayon at pinipilahan na para kunin private photographer sa mga weddings at events.

Kahit mga celebrities sa Amerika tinatangkilik ang mga gawa niya.

"Masaya ako at nakamit na din niya ang pangarap niya. Wala pa siya isang taon doon ay marami na siya napatunuyan." buong galak ko na saad hindi ko napigilan maluha na agad ko naman pinunusan ng isa ko kamay.

Sa loob ng anim na buwan walang araw na hindi ko ipinagdasal ang kaligtasan niya lagi dahil nasa malayo siya at nag-iisa lang. Lagi ko din ipina panalangin na bigyan siya ng magandang kalusugan at makamit niya lahat ng pangarap niya.

My Homophobic Step-sister (GXG)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن