MHSS 45 (The End)

41.7K 1.2K 489
                                    

1 year later

Lanèa Yshi Aguirre


Huminga ako ng malalim at mariin na ipinikit ang aking mga mata. Dinig ko pa mula dito sa dressing room ang malakas na tugtog mula sa labas.

Labis ang kaba ko sa dibdib ngunit puno naman ng kagalakan ang nadarama.

Na ako'y aakyat sa entablado para muling rumampa.

I miss this kind of feeling.

Ang magkahalong nerbyos at saya na talaga nga naman nag papanginig ng husto sa ang aking mga kamay.

I can do it again!

Kung sana lang ay nandito siya para panoorin ako ay mas kakayanin ko ito at mas malakas ang loob ko.

Ngayon ko kailangan ng mga words of encouragement galing sakanya.

Bakit ba kasi ayaw niya sagotin ang tawag ko mula pa kanina? Kainis!!!

Dahil sa kasamaan palad ay nasa isang business trip si Zai nung isang araw pa dahil may event din siya pinuntahan at siya ang kinuhang main photographer.

Sayang hindi niya mapapanood ang pagbabalik rampa ko sa fashion show.

Mula kasi ng makabalik kami ng Paris. Sa wakas ay pumayag na si mommy na i-push ko na ang career na gusto ko. Nagbalik ako sa dati ko manager at mula noon pati mga endorsement ko bumalik na din at mas dumami pa.

I became more popular and in demand locally and internationally..

Si Zai naman ay nanatili pa din sa dati niyang boss na kinaiinisan ko pa din. Dahil may kontrata siya dito ng 1 year and 6 months na lubos ko pinag papasalamat ngayon dahil in 3 months time ay matatapos na din at makaka alis na siya dun. Sa wakas. Hmpp!

Kasabay ng pagbabalik namin galing Paris ay na engaged kami ni Zai makalipas ang isang buwan lamang.

Pagkatapos ay pareho namin inabot ang pangarap namin at kinalaunan mas naging successful kami parehas pero ka-akibat nun ay ang pagiging busy namin ng sabay.

At ang nakakalungkot ay madalas pa nasa labas ng bansa si Zai.

Kaya tuloy hanggang ngayon hindi pa din kami naikakasal.

"Lanèa ikaw na ang sunod!" dinig ko tawag ng manager ko sa akin.

Mabilis ako tumayo at huling sumulyap sa salamin para tignan ang ayos ko.

This is it!

•~•~•~•~•~•


Zairel Louise Musca


Maayos ko hinawi ang buhok ko na tumatama sa aking mukha. Butil-butil ang pawis ko sa noo na maya't-maya ang punas ko. Pero mas nanaig ang pagkasabik ko na masaksihan ang isa sa mga prestihiyoso at glamoroso na kaganapan.

Nandirito ako ngayon sa Hotel City Paradise para manood ng isa sa pinakalamalaking Fashion show event ng taon.

Ang Fall-Winter haute collection December 2019.

Mas lalo lumakas ang kabog ng puso ko ng mag simula na ang show.

Mula sa madilim na parte sa gitna unti-unting nagkailaw at doon na nag simulang mag silabasan at mag silakad ang mga modelo suot ang mamahaling damit na nirarampa nila.

Hindi magkamayaw katitili ang mga tao halos mag sigawan at palakpakan ang mga ito. Kanya-kanya ng iniidolo na modelo.

Panay ang anggulo ko sa pagkuha naman ng litrato. Sinisiguro na bawat detalye ng pose ay nakukuhanan ko.

My Homophobic Step-sister (GXG)Where stories live. Discover now